Iyong sa akin DIY lang ginawa ko makakapamili ka pa na magandang U.S.wire gauge 8. Iyong ibang wire na nabibili makapal iyong balot pero konti lamang wire sa loob.
Iyong sa akin DIY lang ginawa ko makakapamili ka pa na magandang U.S.wire gauge 8. Iyong ibang wire na nabibili makapal iyong balot pero konti lamang wire sa loob.
^^ san po kayo nakakabili ng wires? baka merong tsikoteers from south (Las Pinas/Pque) na nag DIY ng grounding kit. May nakita din kasi ako sa ACE hardware sa MOA. Yung 4 gauge nila ay 200 petot per meter. Hindi ko binili kasi parang ang mahal tapos wala pang available na ring connectors at shielding.
Magkano ba dapat ang 4 gauge wires?
May 2 terminal ang alternator. + Positive terminal at - Negative Terminal. Ang positive terminal ay para sa charging +12V output papuntang + battery terminal. Hwag magkamali maglagay ng ground wire dito para di masira yun alternator or voltage regulator ng Alternator. May takip ng rubber kadalasan ang positive terminal.
Ang tamang kabitan ng ground wire ay sa - or ground case ng terminal alternator. Mapansin na yun turnilyo ng terminal ay direct sa kaha ng alternator at ala plastic or rubber insulator. Dito ikabit yun "grounding kit" wire at yun kabilang dulo nito ay sa - battery terminal nakakabit.
Kaya naglalagay ng grounding kit sa alternator ay para mapalitan ang maruming ground contact connection ng mga turnilyo sa casing ng alternator kung ito ay may langis at madumi or dahil nabaha.
Mas malakas na ang charging sa battery at improve din ang ignition system, starting ng makina. Kasama na iyon mga ilaw at sa stereo.![]()
tama po si sir. may takip po na pulang rubber sa positive terminal. kinabit ko sa bracket ng alternator.yung grounding kit. tom post ko pics para makita nyo kng san ko kinabit mga ground point.
napansin ko na lumakas mga ilaw ko sa loob sa at labas tail light head lights fog lamps.
starter 1 click start agad. a/c pag binuksan dati kumukurap headlights ko ngayon stable na. stereo ko lumakas din... gumanda din minor ko.
remember pag injected na oto nyo at may computer box. paki reset po ang box para di palyado. pag nag rev..![]()
Thanks mga sir baka bukas hanap nako Grounding kit.. Same question din pala kay kenn.![]()
some pics ng grounding kit na kinabit ko.
1st pics. neg.terminal to tranny,head & front hood lock.
2nd pics. tranny to firewall sorry medyo magulo pa mga wires ko naubusan ako kasi ng tie strap. ung isang groud wire yan ung papuntang head.
3rd pics. from tranny to fire wall
4th. pics from firewall to alternator bracket.
![]()
Ang gandang naman tignan iyan. Complete na ang grounding nyan. Pero bakit pati yun Hood Lock may "ground wire"? Alam ko yun headlamp sa firewall kumukuha ng ground connection. Curious lang ako.![]()
How about lipat mo sa bolts ng Distributor. Although may ground wire ka na sa head. But observe that the Distributor wire connector have no ground wire. It only have 2 wire ie. +12V supply and tachometer ( for Lancer ). So the built-in electronic ignition circuit connect its ground path to distributor casing. You need to connect ground wire here in anticipate for loose connection due to oil, dirt or rust.
You will notice improvement in ignition system if your Distributor casing was with oil, old and dirty.
Same problem tayo. Ayaw ko rin mag galaw ng Distributor. Kaya ganito unang ginawa ko. Gumamit ako ng smaller wire at inipit ko sa distributor casing at yun kabilang dulo sa (-) battery terminal.
Iyan unang experiment ko sa grounding kit. Mabilis na mag start kotse at lumakas ang makina ko. Luma na kasi kotse Lancer 96 EL 1300. Kaya ramdam ang kaagad ang difference .
Di pa kumpleto grounding kit ko. Busy pa ko. Mas maganda kasi pag kumpleto. He he he
![]()
a ok. napansin ko na ok na din pag start ng oto. pero try ko. may wire pa naman ako dyan gauge 12 o 14 ata yun tap ko s ground wire galng head.![]()