got mine installed last month, DIY! connected it to alternator, cylinder head, intake manifold, transmission and car body. medyo matagal ang install kasi ginawa ko e hindi 5 pieces of wire, 2 pieces lang. 1 went to the car body, then the other went to tranny, intake manifold, cylinder head, then alternator. puro pig-tails lang from one wire at malaki yung wire na gamit ko, #4 awg.
noticed changes:
1. pag start ko ng engine, taas ng rpm nasa 1200 rpm. siguro dahil nanibago yung ecu. then slowly bumaba siya to 800 rpm at steady na siya dun.
2. nawala yung slight hunting na napapansin ko dati. dati kasi naglalaro sa 750-900rpm, ngayon steady na siya. magbago lang ang rpm pag nag-kick in ang a/c, tapos balik sa 800 rpm after 2-3 seconds.
3. lumiwanag ang headlights konti.
pag-uwi ko next month mag-add ako ng isa pang maliit na wire (#10awg) to the ecu. tinamad kasi akong kalasin yung glove box, e di ba andun sa likod nun ang ecu? saka palitan ko yung negative battery terminals. yun kasing oem isa lang na wire so gumawa ako ng battery terminal dito sa rig, 3 ang terminals. brass ang material para walang rust.
car is lancer mx nga pala. sorry no pics, wala ako digicam e. malabo naman kuha sa cellphone panget i-post.


Reply With Quote


