Quote Originally Posted by chieffy
sa buhay sa pinas ngayon ano mas gugustuhin nyo:

1) pumasok araw araw sa trabahong gusto mo pero sapat lang o minsan ay kinukulang pa para sa iyo(lalo na siguro kung may asawa't anak ka)...

or

2) pumapasok ka sa trabahong napakataas ng suweldo mo o kinikita mo pero sinusulit ka naman...grabe ang pressure, numbers driven at overtime ka palagi at di ka na halos nakikita ng mga kamag anak mo (or anak mo kung ikaw ay may sariling pamilya)?

ako siguro yung no 2 na...baka dumating ang araw mahalin mo na rin ang trabaho mo kahit na araw araw kang gumigising, sinasabi sa sarili mong di nakangiti, "hay trabaho na naman..."...iba pa rin siguro ang hanapbuhay na naghahatid ng pagkain sa hapag kainan, nagdadala sa iyong sarili o pamilya sa mall, nagbibigay kahit na konting libangan...para bang mas madali pa rin siguro yung problemang may kinalaman sa trabaho kaysa sa problemang wala kang maiuwing pagkain sa hapag kainan nyo...

teka mahaba na

hirap lang dito sa atin eh kadalasan di ka talaga makakapili ng trabahong gusto mo
You may not have a choice right now,especially when you have a family to feed.Pero,dadating din ang time that youll find something better.Yung gusto mo and better pay.But my personal opinion,sa Pinas you need a small business while working to sustain the high expense.And in case you have to give up the job that suck, may income pa rin from that small business that you had put up.