^^ naive???? diretsuhin mo na at yun din naman iniisip ng lahat dito. T*NG*. no other word to describe the ts.
daig pa na-budol-budol nyan eh. sinasabihan na ng lahat dito pero pinagtatanggol pa yung nanloloko sa kanya. ano yan trying to deny your stnpidity by defending the people who duped you?
there is a very big difference between being a kind hearted person and a fool. ts, sorry ha pero you are a fool.
kung mapagkawang-gawa ka talaga madaming street kids dyan na pwede mo tulungan. yang kumare mo e hindi tulong ang need nyan kundi kulong.
mods,
hey i tried to be polite but this guy needs a firm hand on his nape to wake him up.
I dont get it either. Willing silang magpakasira sa mga kapitbahay, kaibigan at ka trabaho para lang makapag drive ng bagong Fortuner ng 1-2 months? Hindi ko alam kung paano ang exit strategy na gagawin nila. itatago nila ang Fortuner? ibebenta? willing silang i risk ang lahat para dun?
TS please listen to the people here and take the car. It's in your name - wala silang habol! Cut ties with these people, they are nothing but bad news. Don't associate yourself with scumbags because they will only bring you trouble.
Swerte ka nga yumaman kasi kahit ganyan kang ka "bait" when it comes to money.
Several months ago my Kuya asked me if he could take a housing loan in my name. It was hard for me to refuse because I owe him a lot PERO sarili ko nga hindi ako nag lo loan, so I told him I'm not keen on the idea.
In your case, that woman is not even blood. How could you risk yourself for someone who did not even contribute to your growth as a person (financially, emotionally, intellectually etc)
Since super bait ka naman, i cash mo na yung Fortuner at ibigay mo na lang kay KumareThere you are sure that your credit score will not be affected.
I dont remember na pinagtatanggol ko sya. paki explain nga?
if sa tingin nyo tanga ako, ganito yan:
yung asawa nya ay kilala ko na for almost a decade. member din sya sa business club namin at gusto pa sya gawing president dahil sa reputation nya. nakakatulong din sya sa business namin before dahil sa nature of work nya.
its not like bigla na lang ako nag oo sa taong hindi ko kilala ng husto.
eto mga ang mga ilan sa mga “katangahan” ko:
*nakapag pautang na ako ng million sa isang tao na 2 years ko lang kilala pero binayaran naman ako. walang collateral.
* nagpautang na din ako ng million sa isang tao at huhulog hulugan ako in 2 years. pumayag ako and so far nagbabayad naman sya. again, walang collateral.
* sumalo na din ako ng mga bahay na mare remata na. ilang beses ko na nagawa na binili ko yung lote nila kung saan naka loan at sila naman ang magbabayad sa akin kung kelan nila gusto. walang interest. just pay when able.
* madami pang iba na hindi ko muna ikuwento
if katangahan para sayo yan pagisipan mo mabuti and reflect on your life. hindi ko nakikita na malala ang situation ko dahil may kilala ako na nawalan more or less ten million or more dahil sa "katangahan. again, hindi sa nagmamalaki ako. sanay na kasi ako maglabas (at malugi) ng malaking halaga. dito sa situation ko ngayon, hindi naman ganun kalaki ang nawala compared sa nangyari sakin before.
^Can we be friends?![]()
I'm just wondering how you made your money?
Most people don't get rich practically giving away money and taking high risk NO reward transactions. And if you're that generous with people who aren't even your blood, how much more with your own family?
ginagawa ko yan normally. pag may mga pulubi na napapadaan sa office binibigyan ko. there was a time na nakapag cause ako ng konting traffic dahil sa kabibigay ko ng pera sa mga badjao sa daan. yung mga inaanak ko na nasa poverty line sa akin lagi tumatakbo pag may problema sila sa school expenses, may sakit magulang, kinapos ang rent. etc. ngayong magpapasko, madami nanaman ang lalapit sa aking mga pulis, traffic enforcers, baranggay staffs, basureros, kapitbahays, etc. kanina lang nagpautang ako sa kapatid ko ng P150k. tanga kasi ako eh hindi tulad nyo na matatalino sa buhay. madami pa ako ginawang “katangahan” pero di ko na babanggitin.
ewan ko ba pero weird ako, nung una frustrated ako pero habang tumatagal parang nae enjoy ko pa nangyayari sa akin. new experience kasi at madami akong natutunan. yung potential loss ko pa ay hindi naman ganun kalaki. siguro na frustrate ako hindi dahil sa pera kung di dahil sa tiwala na nawala at di ako makapaniwala na gagawin sakin yun.
Member ng business club at maganda reputation, eh bakit di maapproved sa bangko?
Ano po nagudyok sa inyo na ikaw magbayad ng DP eh nakiusap na sila sayo na ipangalan sayo?
ung ipangalan sayo ay very risky na, pero ung ikaw pa magbayad ng DP, dyusko.. kahit ako sumakit ang ulo bat mo ginawa un.
We have been successfuuly hijacked.
Sent from my SM-G955F using Tapatalk
May kaya si ts, kapatid yata ni Osama.😆
Sent from my SM-T705 using Tsikot Forums mobile app