New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Results 1 to 10 of 59

Threaded View

  1. Join Date
    Jan 2013
    Posts
    19
    #1
    Pahingi lang po ng advice

    umutang po sa akin ang aking pinsan ng 100k, napautang ko naman po sya. kalaunan po eh lumapit ulit sya at nagpatulong na ituloy ko daw yung kotse nya na hulugan hanggang sa matapos, at sa akin daw yung kotse hanggat di pa nya nababayaran ito, pumayag naman po ako. nakasakay na po siya ng barko at ako ang nagtuloy ng pagbabayad ng kotse nya last 2013. at nagkaroon po kami ng usapan na tutubuan ko yung mga ibabayad ko sa kotse nya ng 2% per month kasama yung utang nya sa aking 100k, dumating na po ang december 2013, fully paid na po ang kotse, hindi pa rin pa ako nabayaran ( nasa akin pa rin po yung kotse).

    nung pag dating nya hiniram nya yung kotse para gamitin, pinahiram ko po kasi insan ko naman, wag daw po ako mag alala babalik nya sa akin kotse. Madaming beses nya po hinihiram, at nagkasamaan pa ng loob dahil sa kinukuha ko na eh ayaw parin ibalik sa akin, hanggang sa nakaalis na po siya ulit ngayon (binalik naman po yung kotse sa akin nung nakasakay na siya last march 2014, almost 1 month po nasa kanya). Hinihingi ko po yung original OR/CR sa kanya para syempre po protection ko rin, ayaw nya po ibigay, hindi ko na po kinulit na makuha, at nagkaroon kami ng verbal agreement na i stop ko na yung interest na 2% as long as na siya ang sagot sa comprehensive insurance. Until today eh malapit na po siya bumalik sa december, mukhang hindi pa rin po ako mababayaran.

    Umabot na po sa 380k plus yung atratso niya sa akin, kasama na po yung 100k na cash na utang at mga binayad sa bangko (plus interest na 2% per month na nag stop last december pa base sa aming pag uusap). Sa madaling salita po eh nakasanla sa akin yung kotse, nag pirmahan po kami, nakasulat po dun ang detalye, pero wala po dun nakasulat na eksaktong petsa kung kailan nya kukunin, dahil nga po kamag anak ko eh, gusto ko rin naman nyang mabawi yung kotse.

    Anu po pwede ko gawin kasi po baka hiram hiramin ulit nya, eh ayaw ko na po ng ganun, at gusto ko na rin po ma finalize, ang hirap po kasi gumalaw at gamitin yung kotse ng alam mong sangla lang.
    Last edited by _Cathy_; August 30th, 2014 at 06:03 PM. Reason: break into paragraphs

Nakasanglang kotse