New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 3 123 LastLast
Results 1 to 20 of 59

Hybrid View

Previous Post Previous Post   Next Post Next Post
  1. Join Date
    Jan 2013
    Posts
    19
    #1
    Pahingi lang po ng advice

    umutang po sa akin ang aking pinsan ng 100k, napautang ko naman po sya. kalaunan po eh lumapit ulit sya at nagpatulong na ituloy ko daw yung kotse nya na hulugan hanggang sa matapos, at sa akin daw yung kotse hanggat di pa nya nababayaran ito, pumayag naman po ako. nakasakay na po siya ng barko at ako ang nagtuloy ng pagbabayad ng kotse nya last 2013. at nagkaroon po kami ng usapan na tutubuan ko yung mga ibabayad ko sa kotse nya ng 2% per month kasama yung utang nya sa aking 100k, dumating na po ang december 2013, fully paid na po ang kotse, hindi pa rin pa ako nabayaran ( nasa akin pa rin po yung kotse).

    nung pag dating nya hiniram nya yung kotse para gamitin, pinahiram ko po kasi insan ko naman, wag daw po ako mag alala babalik nya sa akin kotse. Madaming beses nya po hinihiram, at nagkasamaan pa ng loob dahil sa kinukuha ko na eh ayaw parin ibalik sa akin, hanggang sa nakaalis na po siya ulit ngayon (binalik naman po yung kotse sa akin nung nakasakay na siya last march 2014, almost 1 month po nasa kanya). Hinihingi ko po yung original OR/CR sa kanya para syempre po protection ko rin, ayaw nya po ibigay, hindi ko na po kinulit na makuha, at nagkaroon kami ng verbal agreement na i stop ko na yung interest na 2% as long as na siya ang sagot sa comprehensive insurance. Until today eh malapit na po siya bumalik sa december, mukhang hindi pa rin po ako mababayaran.

    Umabot na po sa 380k plus yung atratso niya sa akin, kasama na po yung 100k na cash na utang at mga binayad sa bangko (plus interest na 2% per month na nag stop last december pa base sa aming pag uusap). Sa madaling salita po eh nakasanla sa akin yung kotse, nag pirmahan po kami, nakasulat po dun ang detalye, pero wala po dun nakasulat na eksaktong petsa kung kailan nya kukunin, dahil nga po kamag anak ko eh, gusto ko rin naman nyang mabawi yung kotse.

    Anu po pwede ko gawin kasi po baka hiram hiramin ulit nya, eh ayaw ko na po ng ganun, at gusto ko na rin po ma finalize, ang hirap po kasi gumalaw at gamitin yung kotse ng alam mong sangla lang.
    Last edited by _Cathy_; August 30th, 2014 at 06:03 PM. Reason: break into paragraphs

  2. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    57,767
    #2
    Ilang months yung binayaran mo bago naging fully paid yung auto?

    Ang nangyayari tuwing uuwi siya meron siya kotse pero mag alis niya ikaw nagbabayad at nagmain maintain Inuuto ka na ng pinsan mo. Tanggalin mo na lang lahat ng interest, kung ano lang nilabas mo na pera, yun ang pabayaran mo. Mas mabuti na yun keysa wala kang masingil. Pag ang kamag anak nangutang, isipin mo na na bigay yun.

    Nakakataka dahil mag trabajo naman cousin mo, bakit hindi siya makabayad. Your cousin is not a nice person

  3. Join Date
    Jan 2013
    Posts
    19
    #3
    Thanks Ms. Cathy
    Nasa 268 plus yung bayad po sa kotse. 16 months ko po binayaran, parang ganun nga po eh ang nangyari at mangyayari. Eh ayaw ko na po ng ganun, gusto ko na po i final kung babawiin nya eh kaliwaan kami, kung hindi naman po eh, ibigay sa akin yung OR/CR plus deed of sale. Yung interest po eh halos wala kasi po 268k + 100k eh 368k lahat po, eh ang total na atraso nya ay 383k lang po.

  4. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #4
    Quote Originally Posted by _Cathy_ View Post
    Ilang months yung binayaran mo bago naging fully paid yung auto?

    Ang nangyayari tuwing uuwi siya meron siya kotse pero mag alis niya ikaw nagbabayad at nagmain maintain Inuuto ka na ng pinsan mo. Tanggalin mo na lang lahat ng interest, kung ano lang nilabas mo na pera, yun ang pabayaran mo. Mas mabuti na yun keysa wala kang masingil. Pag ang kamag anak nangutang, isipin mo na na bigay yun.

    Nakakataka dahil mag trabajo naman cousin mo, bakit hindi siya makabayad. Your cousin is not a nice person
    Quote Originally Posted by _Cathy_ View Post
    They are your family in the end, kayo kayo din magdadamayan sa gipitan.

    kitam hindi ang kamag-anak ang dadamay sayo kundi siya ang unang-una mong makakaaway

  5. Join Date
    Jan 2013
    Posts
    19
    #5
    Quote Originally Posted by Syuryuken View Post
    kitam hindi ang kamag-anak ang dadamay sayo kundi siya ang unang-una mong makakaaway
    tama po kayo...kung hindi dadamay eh makakaaway...
    Last edited by _Cathy_; August 30th, 2014 at 07:34 PM.

  6. Join Date
    Jul 2007
    Posts
    57,767
    #6
    Quote Originally Posted by Syuryuken View Post
    kitam hindi ang kamag-anak ang dadamay sayo kundi siya ang unang-una mong makakaaway
    I hope it never happens to me. Ang sakit naman pag sariling dugo pa yung manloloko

    Quote Originally Posted by miahsusy02 View Post
    tama po kayo...kung hindi dadamay eh makakaaway...
    Yan siguro ang 2 klase ng kamag-anak. Yung mabuti at masama ugali. hehe.

  7. Join Date
    Oct 2013
    Posts
    1,181
    #7
    Quote Originally Posted by Syuryuken View Post
    kitam hindi ang kamag-anak ang dadamay sayo kundi siya ang unang-una mong makakaaway
    Tama si cathy paps, dinamayan ni threadstarter yung pinsan nya ng magipit hehehe....

  8. Join Date
    Oct 2013
    Posts
    1,181
    #8
    Gamitin mo balasubas style.

    Ipa-rent a car mo, tutal maaksidente man, ang hahabulin pinsan mo.

  9. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    54,625
    #9
    Quote Originally Posted by vvti2.0 View Post
    Gamitin mo balasubas style.

    Ipa-rent a car mo, tutal maaksidente man, ang hahabulin pinsan mo.
    that sounds solomonic.. but be sure he is informed. who knows, he might just pay you pronto.

  10. Join Date
    Jan 2013
    Posts
    19
    #10
    Quote Originally Posted by dr. d View Post
    that sounds solomonic.. but be sure he is informed. who knows, he might just pay you pronto.
    opo mahirap po i pa renta, at ayaw ko naman gumanti, gusto ko lang po eh maayos.

  11. Join Date
    Oct 2013
    Posts
    1,181
    #11
    Quote Originally Posted by miahsusy02 View Post
    opo mahirap po i pa renta, at ayaw ko naman gumanti, gusto ko lang po eh maayos.
    Balasubas pinsan mo, wala ka na magagawa dun, pero ang magagawa mo na lang para mabilisang mabawi yung naishare mo ay parent a car mo ang sasakyan, balasubas style.

  12. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    54,625
    #12
    Quote Originally Posted by miahsusy02 View Post
    opo mahirap po i pa renta, at ayaw ko naman gumanti, gusto ko lang po eh maayos.
    your relative sounds like a true rascal.
    i think he is going to play you for as long as you allow it.
    kung i-parada mo sa long-term parking.. siya ang tumubos. sa ganoon, wala ka nang security guard duty...

  13. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    54,625
    #13
    try talking to his employer, to have his salary garnished in your favor.

  14. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,599
    #14
    Quote Originally Posted by dr. d View Post
    try talking to his employer, to have his salary garnished in your favor.
    Ano ka ba? Thats illegal without court order. Employer can't just garnishes an employees salary on behalf of a third party.


    Posted via Tsikot Mobile App

  15. Join Date
    Nov 2013
    Posts
    621
    #15
    OFW pinsan mo pero di makabayad. San niya dinadala kita niya? Huwag ka masyado mabait, eh kinukupal ka na ng pinsan mo.

  16. Join Date
    Jan 2013
    Posts
    19
    #16
    Quote Originally Posted by funkeemunkee View Post
    OFW pinsan mo pero di makabayad. San niya dinadala kita niya? Huwag ka masyado mabait, eh kinukupal ka na ng pinsan mo.

    opo, yung nga po hindi ko maintidihan eh, puro nga po pag intinde ang ginagawa ko sa kanya, minsan nga po nung kinukuha ko na yung sasakyan eh, ayaw nya ibalik at ginagamit pa daw nya. ang hirap po ng sitwasyon, may legal na paraan po ba na ma pwersa na siyang magbayad sa akin? or makuha ko yung orig na OR/CR. kinakatakot ko rin po eh ma isangla yung sasakyan gamit OR CR.

  17. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #17
    Quote Originally Posted by miahsusy02 View Post
    opo, yung nga po hindi ko maintidihan eh, puro nga po pag intinde ang ginagawa ko sa kanya, minsan nga po nung kinukuha ko na yung sasakyan eh, ayaw nya ibalik at ginagamit pa daw nya. ang hirap po ng sitwasyon, may legal na paraan po ba na ma pwersa na siyang magbayad sa akin? or makuha ko yung orig na OR/CR. kinakatakot ko rin po eh ma isangla yung sasakyan gamit OR CR.
    wala ba kayong ginawang kasulatan?

  18. Join Date
    Jan 2013
    Posts
    19
    #18
    Quote Originally Posted by Syuryuken View Post
    wala ba kayong ginawang kasulatan?
    meron po kaming kasulatan, ang nakasulat eh bago bawiin ang kotse kailangan mabayaran ng buo lahat lahat ng nabayad sa kotse, nautang at ang interest. Pero wala pong eksaktong date ng pagbayad.

  19. Join Date
    Mar 2008
    Posts
    54,625
    #19
    Quote Originally Posted by miahsusy02 View Post
    meron po kaming kasulatan, ang nakasulat eh bago bawiin ang kotse kailangan mabayaran ng buo lahat lahat ng nabayad sa kotse, nautang at ang interest. Pero wala pong date ng eksaktong date ng pagbayad.
    anong bawiin ang kotse!
    e nasa kanya ang kotse! hindi ba sinabi mo, security guard ka lang ng kotse.. na kinukuha niya kung nais niyang gamitin, at isosoli niya pag aalis na siya...?

  20. Join Date
    Oct 2013
    Posts
    1,181
    #20
    Quote Originally Posted by miahsusy02 View Post
    meron po kaming kasulatan, ang nakasulat eh bago bawiin ang kotse kailangan mabayaran ng buo lahat lahat ng nabayad sa kotse, nautang at ang interest. Pero wala pong date ng eksaktong date ng pagbayad.
    Ito ang problema mo, kung isangla ng pinsan mo yan sa mga financing, at pinaremata, pupulutin kang wala ng nabayad sa utang, wala pa kotse.

    At di mo pwede iharap sa korte na nagpahatak yung kasulatan nyong magpinsan.

Page 1 of 3 123 LastLast
Nakasanglang kotse