Results 1 to 10 of 59
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jan 2013
- Posts
- 19
August 30th, 2014 05:45 PM #1Pahingi lang po ng advice
umutang po sa akin ang aking pinsan ng 100k, napautang ko naman po sya. kalaunan po eh lumapit ulit sya at nagpatulong na ituloy ko daw yung kotse nya na hulugan hanggang sa matapos, at sa akin daw yung kotse hanggat di pa nya nababayaran ito, pumayag naman po ako. nakasakay na po siya ng barko at ako ang nagtuloy ng pagbabayad ng kotse nya last 2013. at nagkaroon po kami ng usapan na tutubuan ko yung mga ibabayad ko sa kotse nya ng 2% per month kasama yung utang nya sa aking 100k, dumating na po ang december 2013, fully paid na po ang kotse, hindi pa rin pa ako nabayaran ( nasa akin pa rin po yung kotse).
nung pag dating nya hiniram nya yung kotse para gamitin, pinahiram ko po kasi insan ko naman, wag daw po ako mag alala babalik nya sa akin kotse. Madaming beses nya po hinihiram, at nagkasamaan pa ng loob dahil sa kinukuha ko na eh ayaw parin ibalik sa akin, hanggang sa nakaalis na po siya ulit ngayon (binalik naman po yung kotse sa akin nung nakasakay na siya last march 2014, almost 1 month po nasa kanya). Hinihingi ko po yung original OR/CR sa kanya para syempre po protection ko rin, ayaw nya po ibigay, hindi ko na po kinulit na makuha, at nagkaroon kami ng verbal agreement na i stop ko na yung interest na 2% as long as na siya ang sagot sa comprehensive insurance. Until today eh malapit na po siya bumalik sa december, mukhang hindi pa rin po ako mababayaran.
Umabot na po sa 380k plus yung atratso niya sa akin, kasama na po yung 100k na cash na utang at mga binayad sa bangko (plus interest na 2% per month na nag stop last december pa base sa aming pag uusap). Sa madaling salita po eh nakasanla sa akin yung kotse, nag pirmahan po kami, nakasulat po dun ang detalye, pero wala po dun nakasulat na eksaktong petsa kung kailan nya kukunin, dahil nga po kamag anak ko eh, gusto ko rin naman nyang mabawi yung kotse.
Anu po pwede ko gawin kasi po baka hiram hiramin ulit nya, eh ayaw ko na po ng ganun, at gusto ko na rin po ma finalize, ang hirap po kasi gumalaw at gamitin yung kotse ng alam mong sangla lang.Last edited by _Cathy_; August 30th, 2014 at 06:03 PM. Reason: break into paragraphs
-
August 30th, 2014 06:01 PM #2
Ilang months yung binayaran mo bago naging fully paid yung auto?
Ang nangyayari tuwing uuwi siya meron siya kotse pero mag alis niya ikaw nagbabayad at nagmain maintain Inuuto ka na ng pinsan mo. Tanggalin mo na lang lahat ng interest, kung ano lang nilabas mo na pera, yun ang pabayaran mo. Mas mabuti na yun keysa wala kang masingil. Pag ang kamag anak nangutang, isipin mo na na bigay yun.
Nakakataka dahil mag trabajo naman cousin mo, bakit hindi siya makabayad. Your cousin is not a nice person
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jan 2013
- Posts
- 19
August 30th, 2014 06:17 PM #3Thanks Ms. Cathy
Nasa 268 plus yung bayad po sa kotse. 16 months ko po binayaran, parang ganun nga po eh ang nangyari at mangyayari. Eh ayaw ko na po ng ganun, gusto ko na po i final kung babawiin nya eh kaliwaan kami, kung hindi naman po eh, ibigay sa akin yung OR/CR plus deed of sale. Yung interest po eh halos wala kasi po 268k + 100k eh 368k lahat po, eh ang total na atraso nya ay 383k lang po.
-
August 30th, 2014 06:23 PM #4
-
Tsikoteer
- Join Date
- Oct 2013
- Posts
- 1,181
August 30th, 2014 06:24 PM #5Gamitin mo balasubas style.
Ipa-rent a car mo, tutal maaksidente man, ang hahabulin pinsan mo.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jan 2013
- Posts
- 19
-
August 30th, 2014 06:25 PM #7
OFW pinsan mo pero di makabayad. San niya dinadala kita niya? Huwag ka masyado mabait, eh kinukupal ka na ng pinsan mo.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jan 2013
- Posts
- 19
August 30th, 2014 06:29 PM #8
opo, yung nga po hindi ko maintidihan eh, puro nga po pag intinde ang ginagawa ko sa kanya, minsan nga po nung kinukuha ko na yung sasakyan eh, ayaw nya ibalik at ginagamit pa daw nya. ang hirap po ng sitwasyon, may legal na paraan po ba na ma pwersa na siyang magbayad sa akin? or makuha ko yung orig na OR/CR. kinakatakot ko rin po eh ma isangla yung sasakyan gamit OR CR.
-
Tsikoteer
- Join Date
- Mar 2008
- Posts
- 52,514
August 30th, 2014 06:32 PM #9
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jan 2013
- Posts
- 19
August 30th, 2014 06:36 PM #10
Buhay na buhay ang BGC this evening. Bukas halos lahat ng restaurants. Sabi pa nung isang cashier...
Traffic!