Quote Originally Posted by McLeor View Post
jing, thanks sa advise, pero naka decide na ako for toyota alabang, though wala pa yung car, kase ka a approve pa lang ng loan ko kanina nag text na bank eh :-)

Instead of going in-house financing (8.5% 12 months), I went straight sa bank, (5.+% 12-months)....

for insurance, sabi nung bank manager, pwede din daw di in-house, so from 45K (in-house price) eh nakakuha ako ng less 30K sa PGA, with package pa na "worry free driving" , may towing service etc...laki difference, pambayad sa chattel.

swerte nga yung SA sa Toyota, kase di na kami lumipat sa ibang dealer, eh mali mali pa compute sa quote nya, tapos walang sales talk...basta pinipilit lang kami na mag bigay ng P5K for reservation, e di naman kami nag mamadali

Jing, baligtad tayo, sa Honda naman ako nahiya, kase ang bait nung SA sa Honda, as in maasikaso pa, kaso , nag decide na ako sa VIOS. Laki kase difference ng itsura kesa dun sa 1st gen. City kase eh looks exactly like the 1st gen, medyo nagsawa lang siguro ako sa itsura kase 2 of my neighbors naka City (this is my first choice too kase ganda daw performance)
Wala na man talagang choice ano? Yung City at Vios talaga ang pinakamura na sasakyan ngayon. Di kanaman talo kasi pag mas marami sa daan, yung parts ay sigurado ring di mahalin. Eh tanong ko lang bakit naging baliktad ang mundo? Ang Hyundai Accent na ngayon an pinaka mahal sa class niya! At saka sa halos lahat ng linya, mas mahal na ngayon ang Hyundai...