Hi mga ka tsikot. Plano po namin bumili ng 2nd hand car next year Jan or Feb and budget po namin is 300 to 350k. Ikakasal po kami this december ni gf and plano sana namin mag brand new pero naisip po namin na d pa kaya maipit for 5 years. Meron po ako dating altis 2004 model 2 years ago binenta ko kasi nagtayo ako ng business. Sa bahay lang po ako nagtatrabaho at si gf ko naman sa office so main gamit ng sasakyan is panghatid or sundo kay misis and once na marunong na sya mag drive papagamit ko nalang sa kanya. Magagamit din ang sasakyan pag weekends with parents kung ipapasyal sila. Anu po kaya ang mas matipid sa gas? and long term maintenance? Plano ko po kasi ikeep sya long term.

Choices ko po ay autimatic
1. Altis 2008-2010
2. Civic FD 2008-2009
3. Mirage G4 2014 ( kung meron para mas bagong year and mas magtatagal?)
4. Accent ( wala ako masyado alam sa maintenance and info
5. Montero 2009 ( kung bebenta nung kakilala kong doctor for 400k nabanggit kasi samen, hindi ba masakit sa bulsa ang maintenance? or gaaano kalayo ang difference ng presyo sa maintenance ng kotse? )

Kung meron pa po kayo ma add sa mga choices ko mas ok po. Thank you in advance