mga expert tsikoteers, help naman.. may mga ilang katanungan lang before i finally purchase a 2nd hand car..

i'm planning to buy this certain Honda City Type Z LX 2002 AT model na kasi that i saw on sulit.. kung magkakasundo kami sa price na P175k, baka bukas magkabayaran na so i need your opinions overnight.. bigyan ko lang po kayo idea about dun sa car..color red yung siya, 115,000kms ang odo, first owner yung seller, may mangilang dents (babae kasi yung seller e), kalbo na ang spare tire, windows lang ang powered, yung side mirror at locks manual, walang alarm..fresh naman in out.. all stock..

now my questions are:

1.) ano po ba difference ng LX sa LXI na variant?..
2.) sa price na P175k, ok na ba siya? di ba mataas? di ba mababa?
3.) totoo ba na pa matic at naka-incline ka dapat di siya aatras pag nagbreak then binitawan na ang break? pag daw umatras may prob ang transmission (may nagsabi kasi sakin na ganun) or normal lang daw (may nagsabi naman sakin na since 1300cc lang normal lang na yun na umatras ng konti)???
4.) ok naman po yung takbo kanina nung tinest drive ko, tahimik naman makina, wala namang kalampag, ang prob lang e parang every now and then may naririnig ako na tunog (parang whistling sound), ano po kaya nag-ca-cause nun?

hope you could help me mga idol, newbie here, wala pa po kasi ko masyado alam sa car and ayoko naman makakuha ng kotseng bibigyan lang ako sakit ng ulo.. pang-everyday use p kasi sana ko to..