Hi mga sir, I'm planning to get a car loan this November, 1st car & 1st time driver. Balak kong mag-enroll sa driving school sa end of OCT 2010 or early NOV 2010 na para malapit sa pagbili.

Balak ko kasi A/T car, pero sabi ng mga kasama ko sa work ay dapat daw M/T ang aralin ko. Given nga daw na 1st time driver ako, dapat nga daw M/T muna ako at tsaka na lang ako mag A/T. Any advise on this?

Also, A/T dahil gagawin ko itong pamasok sa work everyday nang balikan from Marikina to Makati at dahil traffic lagi sa either C5 or EDSA. Sabi naman nila mas tipid daw sa gas pag M/T kaysa A/T. Nasa 17km ang taxi meter pag EDSA ang daan at nasa 20km pag C5 naman pag umuuwi ako sa gabi.

Thanks in advance for your inputs!