New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 17
  1. Join Date
    Dec 2002
    Posts
    49
    #1
    Peeps,

    Papaano ba ang patakaran pag bumili ng kotse from those large car displays? puro agent ba ang humaharap or makakausap mo rin yung tunay na owner? malaki ba ang patong nila sa ganun?
    Ang lastly, are you aware of any display na dapat iwasan when scouting for a vehicle due to a notoriously bad reputation?

    thanks!

  2. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,603
    #2
    Minimum na patong sa cartag is P100k. so pag tumawad ka ng mg 50k, paktay kay. Baratan talaga labanan diyan. Typically, mga alipores lang ng mayari makakausap mo. Pero read the cartags carefully and note down the cell numbers. One of those would likely belong to the person who owns the CAR SLOT (not the car itself). Mas madali kausap yon kesa ahente.

    As always, bring a good mechanic or at least a good critic when buying 2nd hand. Madali kasing maatat pag bibili ng auto.

  3. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    17,339
    #3
    I saw an Accord of a friend being sold sa Gold Park for 650K... he sold it for 525K to the dealer.

    One thing about those shops is that the cars are all clean and nice because they use a "deadly" amount of rubbing compound thats normally used for newly painted cars.

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    902
    #4
    aewagon,

    what particular brand, model, make are you looking at?

    Stay away from Metropolis Car Exchange! Ito yung sa may dating Manuela sa Alabang.
    And also the other one in San Antonio Valley sa Sucat going to Paranaque City Hall, grabe sa taga ng presyo.
    Also the one at Abel Nosce, BF Resort. Imagine yung L200 ng utol ko sila bumili (P220k), after a few days, dinesplay nila duon, P280k na ang presyo, eh wala naman silang ginawa or inayos dun. (Meron pala, tinanggal nila yung kinabit kong signboard na For Sale)

    Nagtanong na rin ako sa iba, Yung sa Buendia ang parang, I repeat parang, okay ang presyo.

  5. Join Date
    Dec 2002
    Posts
    49
    #5
    ganun pala yun, ibig sabihin hindi talaga magkakaroon ng opportunity na mapinpoint yung original owner kasi yang mga nakadisplay na iyan ay technically 'owned' na by the car slot owner pero ang deed of sale ay open pa, tama ba ang intindi ko?


    bogart, hinahanapan ko ng kapalit yung isa. baka parehas din nun yung kunin ko.

    PK, di ba you got yours recently from a similar establishment? pakipaliwanag naman yung process kung paano na execute yung deal, how do you know na yun nga ang owner nung slot to weed out yung mga patong sa presyo ng ahente, sino magbabayad ng transfer of ownership, etc.

  6. Join Date
    Dec 2002
    Posts
    49
    #6
    pahabol para kay PK, yung list price nung unit na nabili mo, magkano ang nabawas sa final negotiated price? if you don't mind.

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    15,528
    #7
    Originally posted by bogart
    aewagon,

    what particular brand, model, make are you looking at?

    Stay away from Metropolis Car Exchange! Ito yung sa may dating Manuela sa Alabang.
    And also the other one in San Antonio Valley sa Sucat going to Paranaque City Hall, grabe sa taga ng presyo.
    Also the one at Abel Nosce, BF Resort. Imagine yung L200 ng utol ko sila bumili (P220k), after a few days, dinesplay nila duon, P280k na ang presyo, eh wala naman silang ginawa or inayos dun. (Meron pala, tinanggal nila yung kinabit kong signboard na For Sale)

    Nagtanong na rin ako sa iba, Yung sa Buendia ang parang, I repeat parang, okay ang presyo.

    bogart, yung sinasabi mo sa abel nosce kay Bernabe? tama ka...hayuf sa taga yun. buwakaw yung may-ari nun eh.

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,603
    #8
    Glad to oblige pare.

    I got my 2 pajeros from Goldpark Car Sale in Ortigas, pero magkaiba yung vendor.

    Yung Pajero ko ngayon, i got around 120k off the cartag price.

    Initially, kausap ko lang ay yung alipores. Pero i got some some mobile numbers off the cartag and tinawagan ko. One of the numbers was that of the owner of the lot. I arranged a meeting and nakipagtawaran. Siguro we spent 2hrs bargaining. Kaya tumagal kasi ite-trade-in ko si PJERO.

    Halos imposible mo makausap yung actual owner nung vehicle for sale. In the first place, hindi naman papayag yun ipa-consign yung kotse nya kung may time pa siya maghanap and makipag-nego a direct buyers.

    Besides, yung previous owner ng auto ko ngayon is a Supreme Court justice... no doubt a busy man. If you dont want to go through the hassle of baratan blues, I suggest maghanap ka na lang ng direct seller. At least may peace of mind kang hindi sobra ang tubo sa iyo.

    IN my case kasi, nakakapagod maghanap at lumagari ng metro manila, besides, yung unit na nakuha ko is in true A1 condition.

    Goodluck pre!

  9. FrankDrebin Guest
    #9
    pajerokid,

    paki-post naman yung procedure after na magkasundo kayo nung seller (e.g. TMG, LTO, etc.). Virgin pa ako dyan sa mga may shop ng 2nd hand dealers.

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    437
    #10
    Here in the US, we have the CarFax.com service which we can use to order reports about the vehicle using the VIN [Vehicle Identification number] or dyan sa atin, chassis number. It will tell you the odometer reading, damages if any etc. pero nothing about the engine pero magkakaroon daw. If you want to see a sample, email me.

    Sa sobrang daming auto dealers dito, patayan sa presyo. What they call below invoice pricing. A good dealer is Carmax.com, where we got our '03 Mitsu. Galant ES with only 8650 miles on it.

    Doc Diesel

Page 1 of 2 12 LastLast
How To Buy A Vehicle From Those Large 2nd Hand Car Shops