New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 4 1234 LastLast
Results 1 to 10 of 31
  1. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    9
    #1
    Hi po! Problem ko itong nabili kong vehicle, may nakalagay na "ENCUMBERED" sa COR, year 2002 pa at nakapangalan pa rin sa original owner. Walang deed of sale mula original buyer to 2nd buyer, pero merong DOS between 2nd and 3rd pero not notarized. Now, meron kaming DOS ng 3rd owner.

    1. Ano ba dapat kong gawin para sana maipangalan ko sa akin ang vehicle? Mahihirapan na akong hanapin pa ang original owner since 7 years ago pa yung date ng COR nya.
    2. Okay lang bang iparegister ko na lang yearly yung sasakyan at di ko na patanggal yung "Encumbered" sa COR? Medyo magastos at mahabang proseso pa kasi. Tutal wala naman akong balak ilabas ng EDSA ang sasakyan, pang-nearby lang kung baga.
    3. Ano ba disadvantage ng situation na ito sa akin? Ano pa po ba ang magiging problema ko kung sakali?

    First time ko lang kasi bumili ng vehicle, second hand pa, di ko na-check mabuti ang COR.....haaaay, lesson learned

  2. Join Date
    Feb 2009
    Posts
    812
    #2
    Maveverify mo ba kung san naka loan yung car? Dapat di na yan encumberred pagkatapos mabayaran ng buo.

  3. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    9
    #3
    I think so po, ni-research ko yung lending company, may address sila sa Cubao. Usually ba, okay lang magverify sa kanila ng status nung sasakyan even if 7 years ago na? What if they find out na di pa pala bayad sa kanila, ako kaya ang pagbabayarin nila?

  4. Join Date
    Feb 2009
    Posts
    812
    #4
    Quote Originally Posted by jeiramor77 View Post

    Wala namang problema kung tatanungin mo. Kung hindi fully paid yan, hindi irerelease ng lending firm and original na OR and CR. By the way, original ba ang kopya mo?

  5. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    1,410
    #5
    Quote Originally Posted by jeiramor77 View Post
    Hi po! Problem ko itong nabili kong vehicle, may nakalagay na "ENCUMBERED" sa COR, year 2002 pa at nakapangalan pa rin sa original owner. Walang deed of sale mula original buyer to 2nd buyer, pero merong DOS between 2nd and 3rd pero not notarized. Now, meron kaming DOS ng 3rd owner.

    1. Ano ba dapat kong gawin para sana maipangalan ko sa akin ang vehicle? Mahihirapan na akong hanapin pa ang original owner since 7 years ago pa yung date ng COR nya.
    2. Okay lang bang iparegister ko na lang yearly yung sasakyan at di ko na patanggal yung "Encumbered" sa COR? Medyo magastos at mahabang proseso pa kasi. Tutal wala naman akong balak ilabas ng EDSA ang sasakyan, pang-nearby lang kung baga.
    3. Ano ba disadvantage ng situation na ito sa akin? Ano pa po ba ang magiging problema ko kung sakali?

    First time ko lang kasi bumili ng vehicle, second hand pa, di ko na-check mabuti ang COR.....haaaay, lesson learned
    Meron kang problema.

    Kelangan mo ma verify if tapos na ang ammortization ng unit. Pag full paid na ito, kelangan mong i-cancel ang chatel mortgage nito sa registry of deeds. Kelangan mo din ng deed of sale from the 1st owner to the person who sold you the unit. Pag wala ka nito hindi ma transfer ang ownership.

    Wala naman kaso if you don't transfer the ownership, kaso lang legally sa papeles hindi sa iyo ang auto dahil naka-register pa ito sa 1st owner. Ayusin mo na lang ang papers and hopefuly you learned a lesson na i-check ang papers before buying. Good luck.

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,038
    #6
    hassle yan, ang dami ng owners ah....sana before mo binili nag check ka muna,a ng daming butas simulan nunn umpisa pa lang eh...

  7. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    9
    #7
    Quote Originally Posted by mey0r View Post
    Wala namang problema kung tatanungin mo. Kung hindi fully paid yan, hindi irerelease ng lending firm and original na OR and CR. By the way, original ba ang kopya mo?
    Yes, original po yung copy ng COR. Original din yung OR registration galing sa LTO, naiparegister naman ito ng binilhan ko.

  8. Join Date
    Feb 2008
    Posts
    9
    #8
    Quote Originally Posted by mey0r View Post
    Wala namang problema kung tatanungin mo. Kung hindi fully paid yan, hindi irerelease ng lending firm and original na OR and CR. By the way, original ba ang kopya mo?
    So you mean po ba, pag nagverify ko ng status sa Lending at kung sakaling di pa fully paid ay hindi nila ako hahabulin para ituloy ang payment? Gusto ko ngang tawagan yung lending firm eh, ang kinatatakot ko lang ay baka ako ang pagtuluyin ng payment, huhuhu naman yun...

  9. Join Date
    Mar 2007
    Posts
    172
    #9
    naku po! medyo madugo yan, same din tayo ng problem dati sa second car ko. hahanapan ka nila ng xerox copy ng valid IDs ng first owner at second owner ng car. Kc dun sila magbae base ng valide signatures from the D.O.S. then the rest sundin mo yung advice ni "ans_lim168"

    goodluck bro

  10. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    460
    #10
    Its not that difficult to clear those kinks. time consuming nga lang.

    First off, kung hawak mo na orig CR, most likely tapos na bayaran loan niyan. So first step mo talaga is alamin kung bayad na ba o hindi pa. If not laki problem mo, technically "hot car" yan pero i doubt it.

    If bayad na, there is a thread here earlier ang problem ay di na din malocate ang original owner ( pls look for it ganoon dinkasi route mo). What you need is a certification na hindi na malocate ang original owner, and an affidavit of warranty for you to be able to transfer said vehicle to you. There is a legal remedy kung talagang walang problema ang ownership history ng unit.

    2. Okay lang bang iparegister ko na lang yearly yung sasakyan at di ko na patanggal yung "Encumbered" sa COR? Medyo magastos at mahabang proseso pa kasi. Tutal wala naman akong balak ilabas ng EDSA ang sasakyan, pang-nearby lang kung baga.
    kung gusto mo ganito na lang gawin mo para may peace of mind ka. verify mo kung fully paid na and verify mo din kung walang alarm na carnapped yan. Kung ok pareho, you can continue using the car and renew it as is. pwede mong gamitin kahit saan yan, walang gaanong magiging problema.

    3. Ano ba disadvantage ng situation na ito sa akin? Ano pa po ba ang magiging problema ko kung sakali?
    well kung clean ang papers, medyo nasa safe side ka na. Worst case scenario lang is kung bigla lumabas ang original owner and bigla i assert ownership niya. may chance na matalo ka dun.

Page 1 of 4 1234 LastLast
encumbered