May mga kalokohan din ang mga ahente eh. Naalala ko noon, nanghingi ng mga personal references. Binigay ko yung mga pangalan ng mga kaibigan ko. Yung isa kinuha lang pangalan tapos pinalitan ang contact info. Nilagay contact info niya. Para sigurado daw ang approval. Siya na daw bahala.
Sent from my MI 3W using Tapatalk
Tint... kelangan suriin nang mabuti. Minsan pangit pagkagawa. Pero yung cost ng cheap tint siguro 2-3k.
Insurance, TPL is only typically 1.5k... Bank financing will require you to get comprehensive insurance (20+++k). Chattel mortgage fee alam ko 10+k yan (pero this is the value I'm least sure about).
Matting, normally they give you the cheap ones din (<2k) Mas maganda sa labas hehe.
Just to give you an idea
Kahit anong freebies pa yan, malabong pumantay ang interest rate ng bank financing vs in-house financing.
On average, in-house financing will set you back 45% in interest over 5 years. Kung 1M yung loan amount mo, may interest kang 450k na babayaran.
Bank financing naman, nasa 25-27% interest for 5 years. So lugi ka ng 200k sa in-house. Para kang nagtapon ng pera.
Kahit bigyan ka ng free tint, matting, LTO, insurance, at kung anu ano pa, hindi yan aabot ng 200k.
Kung hindi ka sure na maaapprove ng banko, baka naman masyado talaga mababa income mo for a car?
Sent from my SM-G935F using Tapatalk
I guess depends on the agent since may additional kita sila pag in-house.
Last time bumili kami ng vehicle (non-toyota) nag down kami ng 20k tapos sabi namin wala pa approval/nde pa sure sa bank, ok lang daw yun, in the end ibabawas nila kung saan man ma approve yung loan. Naghintay rin yung agent namin ng few weeks bago nakuha yung bank loan papers. Sabi nung agent namin mag coordinate naman yung bank sa kanila tapos sales agent and bank na magusap at sila na bahala mag process less the reservation.
ano ba pinag-iba ng bank financing or in house financing?
parehas lang di ba? kasi parehas na bank ang mag-approved. sa in house lang bahala na lahat si agent na maglakad lahat ng papel. intayin mo na lang na tawagan ka ng bank for interview.
bank financing - direct ka nag apply at process ng loan mo sa bank, mas maliit ang interest pero mas mahirap ma-approve.
in-house financing - si agent nagprocess, dahil may agent that functions as middleman, mas mataas ang interest which ranges from 10% up to 25% additional interest in a 5 year loan. In a 1M loan, that translates to 100K to 250K in additional interests. marami kumakagat sa ganito dahil mas madali maaprove.
now, make your choice.![]()
Thanks po sa discussion niyo dito - very informational.
I just want to ask na rin po if RCBC na po ba LOWEST in terms of interest rate of 23%?
Does it depend on a certain branch or mostly negotiable to other RCBC banks as well?
I was given 24.25% by BDO - that's it. No freebies.
BDO is my bank for my home loan and savings account.
Thanks in advance for those who will share insights!
Cheers.