mga sir.. ask ko lang kung ano magandang pang alis ng parang namuong alikabok sa mga fender,door,hood ng sasakyan? kakabili lang kasi namn ng 2nd hand suv color white sya.. napansin ko mejo madilim na yung pagka white nya and hindi na ganun ka kintab.. naaalis naman yung dumi kaso chagaan talaga sa pag kuskos.. hindi kinakaya ng car wash and wax lang.. need talaga kuskusin para mawala... ang ginagamit ko is yung microtex nano gloss naubos ko na yung isang maliit na bottle 1 side pa lang ng suv.. ganun sya kahirap linisin.. meron po ba kayo ma advice na ibang brand or procedure para kumintab ulit? hirap kasi pag nano gloss lang nawawala yung pagka itim nya pero natatakot ako baka kaka kuskos ko ng madiin matanggal na din yung top coat... sana matulungan nyo po ako...