Same here. Ang hirap i-communicate si Jerome for parts inquiry, hindi nagre-reply sa text. Nung tinawagan ko sabi check daw muna niya at i-text nya ako, pero until now wala pa ring update. Ang hirap naman nito, tayo ang customer pero tayo pa ang pinapahabol, kung meron lang sana makabigay sa akin ng contact ng store na merong hood damper(hood carrier kit) for ford everest gen1 I will really appreciate it.
So until now sablay pa din autobisyo dami ng bad feedback ah kala ko ako lang hindi happy sa kanila
Yup same here... parang kailangan mo talaga sya kulitin sa text bago ka replyan.
Had a bad experience with this shop recently.
Nagpagawa ako sa kanila ng flat dummy headlamp washer ng Sunday (can't remember the exact date) and they told me that the item will be available on Wednesday since kailangan pa daw nilang iorder sa supplier nila. Pumayag naman ako since i'm not in a hurry during that time. All i have to do daw is to make a deposit para sure daw na ma-order nila. I made the deposit and i told them that i will be getting the item on Saturday instead since i don't have the liberty of time during weekdays due to work.
Come Saturday at nag-follow up ako through phone regarding sa availability ng item and they told me na wala pa rin daw yung item since sa manila pa daw yung supplier nila until inabot na ng 3 weeks yung paghihintay at kaka-follow up ko sa kanila.
I went to the shop para i-refund na lang yung binayad ko sa sobrang inis. Di man lang nag-sorry sa oras na nasayang at abala. Or sana, hinarap man lang sana ako nung kausap ko.
Piece of advice: wag silang masyadong mayabang sa customer nila na kaya nilang i-provide ang isang bagay na hindi naman pala nila kaya. Sila pa naman din ang nagbigay ng definite time.
Si jerome (owner) nga pala yung kausap ko nung Day 1 while si Rose naman yung kausap ko palagi everytime na nag-fofollow up ako sa phone.
sa mga naging clients nila, ok kaya magpatint ng kotse sa kanila? sila kasi official dealer/installer ng v-kool sa laguna e.
tinawagan ko yung v-kool sir e. sila daw at BP-1 ang official dealer/installer sa laguna.
parang ayoko na talaga magpatint ng v-kool dito sa autobisyo. ang hirap nila icontact. mapafacebook man or mobile (3 mobile numbers na pinost nila). walang reply. pano na kung after nila magtint eh may bubbles or dust? eh di pahirapan pa sa back job. parang ayaw ata magkaron ng new clients.
Or try yung Tint my Ride along West Ave. So far they responded to all my queries even to some return job sa tint
thanks! sayang lang kasi ito sana pinakamalapit sa amin. pero kung ganito lang din baka sa tinthub na lang ako.
I'm experiencing the same issue trying to contac them. Fb, sms, tumawag na rin ako sa lahat ng numbers, me nakausap na ako sa landline hindi naman alam prices ng mga accessories na tinatanong ko at kung meron stock, i update dAw ako sa txt, wala din. Ilang araw na ako txt ng txt at tawag ng tawag, wala talaga reply
Ano ba nangyayari sa service nila. Sayang
Magulo ang pricing kapag nagtanong sa facebook at kapag direct sa shop![]()