Quote Originally Posted by neoson9999 View Post
First of all, I apologize for hijacking this thread. I would create my own thread but Tsikot forum's anti-spam measure prevents me from doing so.

Bale meron po akong 1997 na Honda Civic. Nung nakuha ko po siya, naka rekta yung fan niya tapos wala siyang thermostat. May mga nabasa ako dito sa Tsikot forum at sa mga FB Car groups na hindi daw okay yung ganung setup kaya naisipan ko siya ipabalik sa normal. Kaya bumili ako ng original honda thermostat at thermoswitch.

Fast forward sa naikabit na yung thermostat and thermoswitch. Dun na lumabas ang problema. Nag ooverheat na yung kotse. Pina overhaul ko yung radiator ko kaso parang walang nagbago, overheat pa rin.

Kanina, tinanggal na lang nung mekaniko yung thermostat at binalik sa rekta yung fan. Ayun, di na nag overheat.
Sinisisi niya yung thermostat. Pagkauwi ko, pinakuluan ko agad yung thermostat at bumuka naman siya 100% so malamang hindi yun ang prob?

Btw, additional detail lang, pansin ko pala pag andun na siya sa point na nag ooverheat siya, napupuno ng mainit na tubig yung reservoir.

Any ideas or suggestions po kung ano kaya ang problema at kung ano pwede ko gawin? Water pump kaya or radiator cap? Di kaya baliktad lang pagkakakabit nung mekaniko sa thermostat?
Check radiator cap. Baka sira na yung rubber. Meaning nagleak na yung hot coolant papuntang reservoir dahil may singaw rad cap mo. No pressure= overheat


Sent from my iPhone using Tapatalk