^^^ Yung mga shop sa tabi-tabi, simple lang ang pressure testing na ginagawa:

- Tanggalin ang radiator sa kotse, at ibuhos ang tubig/coolant
- Tanggalin ang mga hose na nakakabit
- Pasakan ng bara ang butas sa ilalim ng radiator at ilagay ang radiator cap
- Sa butas sa taas (upper hose), bugahan ng hangin gamit ang bibig. Kapain ang
radiator kung may hangin na sumisirit

Hehehe...

Pero yung mga decent auto repair shops, talagang may mga aparato para matignan kung may butas nga. Same principle lang din gaya ng nasa taas.