sigurado bang sa radiator ang leaks? pwedeng sa mga fittings and hoses. delikado sa water pump ang mga sealant. kung sa radiator, pababa mo na nga for ovehaul or kung matagal nang sakit palit na ng bago.
Naku, nasubukan ko na yang rad sealant na parang buhangin. It's only effective kung maliit yung butas at located mismo yung hole sa radiator. (Brand yata nun is Whiz, 70 petot lang). Wa epek siya kung medyo malaki na yung butas. I also tried yung Prestone sealant (mahal to, more than P270/bottle), useless din.
Pa-overhaul mo na lang, para makita talaga kung saan galing. Mga P500 lang naman ang gastos (top-overhaul lang ng rad, yung taas lang ang tinatanggal)