
Originally Posted by
chieffy
GoThicbLuE, kung wala namang tagas ang cooling system, di na kailan magkarga nang magkarga ng tubig. Yung dating ride ko di ako nagdagdag ng tubig sa loob ng 2 years dahil di naman siya nababawasan. Gumamit lang ako ng distilled water nung nagpalit na ako ng coolant. Nang masira ang radiator cap ko, saka lang ako nagdagdag ng tubig at distilled water ang ginamit ko para walang contamination ng minerals. You will notice a big difference sa radiator na gumagamit ng tap water at radiator na gumagamit ng distilled water. Para sa bagong linis na radiator(through flushing or overhaul), it would be better to start right by using distilled water. Less problems pa in the future in terms of maintenance kasi naiiwasan ang pagbabara ng radiator. If a person finds it more convenient to use tap water, I suggest he puts a coolant that contains rust inhibitors to prevent clogging(rust and minerals) and have a better cooling system at the same time. :wink: