Radiator flushing is good as long as di pa luma yung makina. Pag nag flushing kasi, tinatanggal nung chemical yung mga accumulated rust. Ang problema, pag may kalumaan na yung makina (engine block) pati yung mga maliliit na particles nung block natatanggal.

To elaborate things further, may mga parte ng lumang makina na lusaw (metal flakes) na dahil sa kalawang pero hindi parin tinatagusan ng tubig dahil makapal pa ito. Pag dinaanan ng flushing ito matatanggal lahat nung lusaw na parte ng makina at ninipis yung parte na pinanggalingan nito. Ang magiging epekto nito ay ninipis yung metal at sa konting pressure lang ay bibigay na agad at pagsisimulan na ng tagas.

Lahat nito ay ayon sa aking ekpiryensya lamang. Ginamitan ko ng radiator flushing yung makina na walong anyos na at pagkatapos ng ilang araw ay nakita ko na sa loob ng radiator yung mga metal flakes at sinundan na ng tagas ng tubig mula sa block ng makina.

just my two! :mrgreen: