Mga sir, paano ba tamang takbo ng fan sa mga 3 cylinder engine na isa lang ang fan na nagsusuply sa radiator and condenser? Dapat ba kapag bukas ng makina at aircon on cold starts ay umiikot na agad ang fan? Sa 4 cylinders ko kasi na sasakyan tsaka pa lang bubukas ang radiator fan pag kalahati na ang temp pero kapag open aircon kahit di pa narereach ang normal/kalahating temp o kabubukas pa lang ng sasakyan ay un condenser fan lang ang umiikot.

Kahit mga 2 hours stop and go na traffic laging nasa unang guhit o lagpas lang ng kaunti sa unang guhit ang needle sa temp gauge. Naoover cool ba ang radiator o maaring sira ang temp sending unit? Kasi kapag hinawakan ko ang head ng makina ay hot to touch naman kapag kakagaling lang sa super traffic pero un needle sa gauge ay nasa first bar lang.

Thanks.