Quote Originally Posted by xwangbu View Post
pag mainit singaw sa loob ng oto (lalo na nabilad ng matagal), todo sa fan muna
habang naka-awang mga bintana.

turning A/C off - thermostat first, then let the fan on for a minute or two.
Ganito rin ang gawa ko. May nakapagsabi sakin na mag fan muna lalo na kapaga nakabilad
sa araw ang sasakyan. Laminated na kasi ang mga evaporator ngayon kaya madaling mabutas.
Sabi sakin, mag fan muna ng kahit 3 minutes para ilabas nya yung mainit na hangin.
Pag di na ganun kainit, tsaka pa lang buksan and engine at mag AC.
Kapag dumaloy kasi ang freon ng hindi pa napasingaw yung init, mag kakaroon ng "sudden change" ng temp
dun sa evaporator. Di naman sya agad na mabubutas pero pag ganun lagi ang gawa o practice, dun sya
mag uumpisang magka problema.

Makakatulong din na sa covered parking ilagay ang sasakyan kung pwede para kung may mainipin kang kasabay,
hindi mo kinakailangan mag fan ng mas matagal. Nung 2006 pa ko huling nagpalit ng Keihin evqaporator kaya
masasabi ko na epektibo yung sinabi sakin.

PInaka problema ko ngayon any yung Sanden Compressor ko para sa 2001 Civic LXI (dimensions body).
Every 3 years, kailangan kong magpalit dahil na woworn out yung shaft. Pansin ko na nagwiwigle yung
pulley kaya hindi nag eengage yung magnetic plate. 2005 nung una kong magpalit tapos 2008 at pinakahuli
ay 2011. Six months bago ko magpalit ng compressor, nag papalit na ko ng timing belt at tensioner bearing kaya
damay na rin steering belt at AC/alternator belt. Tinitingnan ko lang kung makakatulong pero walang epekto.

Mag 2014 na next month, sa May sched ng timing belt at sa November pa satingin ko bibigay yung compressor.
Ask ko lang sana kung meron pang ibang brand ng compressor para sa model ng sasakyan ko dahil hindi durable
and Sanden. Nakakpanghinayang na magpalit ng compressor worth 12K dahil lang sa worn out na shaft.

Thanks