New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 31 of 59 FirstFirst ... 2127282930313233343541 ... LastLast
Results 601 to 620 of 1163
  1. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    156
    #601
    Makisawsaw na rin po. Bataan po ang location ko pero nasa abroad ako ngayon. Kapapalit lang ng compressor ng honda Vtec ko P17,800 ang naubos lahat lahat pero brand new daw compressor. Kaya lang ang layo namin kina mang mario. Bago ako umalis habang papunta kami tagaytay bigla nawala aircon saka pinatingnan ang sabi may tama daw ang compressor kaya pinkargahan ko lang muna ng freon tapos nung gumana na uli maingay na compressor. Kaya lang nung pagkaalis ko wala pang isang linggo nawala daw uli ang lamig. Pero ngayon ok na raw pagkapalit ng compressor. Hindi ba kami namahalan sa pagpapagawa ng a/c? Para sa susunod alam na namin? Ang suwerte naman ni jim konti lang nagastos nya sana may kakilala din me.

  2. Join Date
    May 2005
    Posts
    497
    #602
    ang aircon blower ba napapalitan? Mahina na kasi ang buga ng hangin eh, although malamig pa siya

  3. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    137
    #603
    my number one blower speed just went dead... the number 2,3,4 speeds are ok naman... i think the number 1 switch resistor got burnt.... is this something that can repaired? or do i need to replace the whole blower resistor assembly?

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #604
    Had that happen to me. But the W123 uses an old school (not printed circuit board) blower resistor. Mang Mario fixed it and pang-yosi na lang daw ang bayad (I don't smoke, hindi ko alam kung magkano ang yosi). hehehe.

    On the '03 Starex, I lost number 2 on the blower controls. Kaya balik ako kay Mario. Norman took out the resistor. Medyo nilinis, pinagpag, tinignan kung may putol ang wire (printed circuit board siya). Nung binalik niya, umandar! Sabi niya baka na-miss ko lang daw siya. :lol:

    Sa '94 Sentra JX, printed type din. Hindi na daw nila magagawa kasi sunog na. They also don't sell that part. Pwede ko daw try dalhin sa gumagawa ng TV kung gusto ko. The blower resistor is a very $$$ part daw.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  5. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    137
    #605
    yikes..... took it out. it is not a printed board...old style sya.. it is rusted and putol na ang dulo.... the connector likewise already melted.... i guess replacement na nga kakabagsakan ko....ang mahal pa naman piyesa ng chrysler...

    thank you sir otep for the heads up.....

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #606
    Yung old-style (resistor type ata tawag dito), nagagawan ng paraan kina Mang Mario. Ganun yung sa W123 ko.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  7. Join Date
    Mar 2003
    Posts
    637
    #607
    help! magkano kaya dapat kong ihanda na budget kung sakaling palitin na ang evaporator, condenser, and compressor ng hyundai H100 ko?

  8. #608
    Regarding the high PSI readings at the low side (return hose), there are several reasons for this problem. (Mahina lamig pag mataas ang reading sa low side)

    1. Overcharging of freon. Yung decompression state ng freon ang nagpapalamig sa kanya. Kung mahina ang decompression (kasi mataas ang pressure nung lugar na pinupuntahan) eh hihina rin ang lamig.

    2. Faulty compressor. Mahina humigop ng freon from the low side.

    3. Baradong condenser. Pressure builds up in the tube between the compressor and condenser kaya hirap mag pump ang compressor. Pag hirap mag pump, hirap rin humigop. (Eto reason kaya nagpalit ako ng condenser which fixed my problem ng high pressure sa low side)

    4. Overheating condenser. Pwedeng radiator/condenser fan problem or bara sa loob. Pag sobrang init ng compressed freon eh nagkakaroon ng pressure buildup.


    We have to be wary of high PSI readings from the low side. Kasi kung hindi naman sira yung compressor (may be a condenser problem) eh baka masira in the long run yung compressor. Also, the heavier the compressor load, the more you spend on gas.


    HTH!

  9. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    999
    #609
    Paano malalaman pag pumunta sa mga Aircon Shop na talaga nagsasabi ng totoo?

    - Like kung sira talaga compressor?
    -Kasi pwede barado lang condenser pero baka sabihin sira na compressor para palitan na din?
    -Ano life span ng compressor, evaporator, condenser...etc
    - Ano mga car perfumes bawal sa car? Kasi yung mga arometherapy spray advisable ba gamitin sa car?

  10. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    207
    #610
    I will visit Mang Mario one of these days...
    Meron ako problema sa aircon ko and from what i have read, the best talaga dito...
    See you soon Mang Mario.. dadayuhin pa kita from Pulilan Bulacan...

  11. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,883
    #611
    its my turn to have my civic compressor fixed at Mang Mario's place...nagwi wiggle na yung pulley ng compressor ng honda ko...almost 70k na tinatakbo nito kaya nagpapalit na ako sa casa ng lahat ng belts except for the a/c compressor belt dahil nga sa problemang ito...balitaan ko kayo sa magandang serbisyo pagkatapos maayos ni mang mario problema ko ;)

  12. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,883
    #612
    ayooooowzz! sulit na sulit ang pagpapagawa kina Mang Mario...di mo mararamdaman ang oras kapag kausap mo si Mang Mario...

    dumating ako ng bandang 8 am, pang apat na ata ako...na meet ko pa si iceman...

    pinalitan ang pulley, bearing at magnetic coil sa presyong discounted...

    highly recommended...talagang mapagkakatiwalan...pwede nyong iwanan ang sasakyan ;)

  13. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    5
    #613
    Hi.. bago lang po.. ayos talaga ng shop ni mang mario... nagkaroon kasi ko ng problema sa oto ko.. mechanical tsaka aircon...
    then me shop ako pinuntahan para pa-repair ko.. ok yung repair sa mechanical, then me shop din for aircon, pinatignan ko na din.. pinaquote ko kung magkano and to my surprise( as in gulat na gulat) mas mahal pa yung quote ng aircon kesa pagpaayos ko ng mechanical problem ng oto.. sabi nung tumingin.. "ser, malala na a/c nyo.. eto po mga kelangan paltan..."
    langya.. nicheck lang nila yung freon kung meron o wala then parang sinabi na paltan ko na buong aircon system ko.. umabot sa tumataginting na P54,000.00 kung aayusin..grrr.... kinulet pa ko.. kinuha number ko tapos sabi service na lang daw sa bahay.. mas mura daw.. and this time P30,000+ na lang.. daw.. anoooo??... hay... buti na lang nakita ko sa forum yung tunkol ke mang mario.. just went there kanina 8:00 am.. at ala pa 9:00 sibat na ko.. at giniginaw na ko sa oto.. for only P600.. grabe... ayun.. just want to share my almost P60,000 cost to P600.. hehe.... mang mario.. your d best.. :cool01:

  14. Join Date
    Aug 2007
    Posts
    999
    #614
    Quote Originally Posted by chieffy View Post
    ayooooowzz! sulit na sulit ang pagpapagawa kina Mang Mario...di mo mararamdaman ang oras kapag kausap mo si Mang Mario...

    dumating ako ng bandang 8 am, pang apat na ata ako...na meet ko pa si iceman...

    pinalitan ang pulley, bearing at magnetic coil sa presyong discounted...

    highly recommended...talagang mapagkakatiwalan...pwede nyong iwanan ang sasakyan
    Yung pulley or bearing ba yung maingay pag nasisira?

    Ano yung magnetic coil?

    Quote Originally Posted by galantisado View Post
    Hi.. bago lang po.. ayos talaga ng shop ni mang mario... nagkaroon kasi ko ng problema sa oto ko.. mechanical tsaka aircon...
    then me shop ako pinuntahan para pa-repair ko.. ok yung repair sa mechanical, then me shop din for aircon, pinatignan ko na din.. pinaquote ko kung magkano and to my surprise( as in gulat na gulat) mas mahal pa yung quote ng aircon kesa pagpaayos ko ng mechanical problem ng oto.. sabi nung tumingin.. "ser, malala na a/c nyo.. eto po mga kelangan paltan..."
    langya.. nicheck lang nila yung freon kung meron o wala then parang sinabi na paltan ko na buong aircon system ko.. umabot sa tumataginting na P54,000.00 kung aayusin..grrr.... kinulet pa ko.. kinuha number ko tapos sabi service na lang daw sa bahay.. mas mura daw.. and this time P30,000+ na lang.. daw.. anoooo??... hay... buti na lang nakita ko sa forum yung tunkol ke mang mario.. just went there kanina 8:00 am.. at ala pa 9:00 sibat na ko.. at giniginaw na ko sa oto.. for only P600.. grabe... ayun.. just want to share my almost P60,000 cost to P600.. hehe.... mang mario.. your d best.. :cool01:
    Saan yan nagpresyo sayo ng 60 thou? Kahit bago lahat aircon system hindi aabot ng 60 thou.

  15. Join Date
    Jan 2007
    Posts
    4,459
    #615
    Hmmmmm presyong RAPIDE yan ah!

  16. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    5
    #616
    i went to mang mario yesterday nag pa-general cleaning ako baklas lahat linis lahat and liquid sosa pala gamit nilang pang linis sa mga bara.(ok to ah).600 lang naman damage ko un nga lang nabali ung clip ng console box ko pero naayos naman then on my way home sinipon ako!amputs! so far satisfied ako sa result ng a/c cleaning ni mang mario..but mejo may fear ako kasi daming negative feedback ky mang mario e(baka me back job ako wala naman sana)..oobserbahan ko a/c ko for atleast 1month kung walang magiging problem..hayy sana walang back job...

  17. Join Date
    Sep 2007
    Posts
    5
    #617
    mmm... yung shop nya somewhere along shaw sa mandaluyong.. malapit sa puregold.. authorized distributor daw ng sanden.. parang presyong casa nga e.. pero yung tapat nya na shop(for mechanical naman) e ok..

  18. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    3,883
    #618
    Quote Originally Posted by suv View Post
    Yung pulley or bearing ba yung maingay pag nasisira?

    Ano yung magnetic coil?



    Saan yan nagpresyo sayo ng 60 thou? Kahit bago lahat aircon system hindi aabot ng 60 thou.
    yung bearing kadalasan...i was referring to clutch field coil pala...

  19. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    961
    #619
    I guess may medyo bad feedback ako kasi yun mga pinagawa ko sa shop ni Mang Mario eh di tumatagal nasira din ulit, I went back 3 times yata to his shop, once in every 3 months siguro and each time iba iba yun pinalitan, compressor, evaporator, dryer, and all in all mga 15k nagastos ko. At that time i was thinking na ok yun gawa and i've posted on this thread too na satisfied naman ako, then about 6 months ago nawala na naman yun lamig, so naisip ko na sa iba na lang pagawa. Dun ko sa Al repair shop sa may rizal ave. ko pinagawa. 3 days nila ginawa, kinalas lahat then yun mga sira sa mga hose inayos along with palit compressor, dryer, and iba pang parts, pulley din i think. Hangang ngayon ang lamig pa din ng AC and i spend almost the same lang as I spent with Mang Mario.

    Ang maganda dun kay Al is he's going to come to you straight and aayusin talaga lahat para di ka na bumalik. Na feel ko lang na medyo sub-standard yun gawa dun kay mang mario for some and kailangan magpabalik balik, which is a major hassle. Good to hear that most people here are satisfied, i was once satisfied too, pero may mas ok pala.

  20. Join Date
    Nov 2007
    Posts
    164
    #620
    mga bossing pag nagpapagawa tayo ng a/c consider nyo parts kung orig o replacement.first ang evaporator may tatalo classification sa ngayo replacement tube type un nung sinasabing gawa sa mandaluyung kaya almost 25% to 30% ang mawawala sa lamig,tapos orig replacement kamuka lang ng orig(kaya lang mas makintab ung tatagal lang ng almost 1 yr un o higit pa pero d tatagal ng 2 yr)tapos yung orig.kamuka ung life span ng coil mas matagal dipende rin kung annual check up or cleaning.sa paglilinis naman ok lang gumamit ng chemical tulad ng sabon.kaya lang ang tanong pati ba dumi sa loob o kasingitsingitan natangal ung dumi keep that on mind na kaya nabubutas ng coil dahil nageexpang ang alluminum(pag gamit nyo tapos didikit ung dumi.tapos matetengga and so on and on)alluminum cleaner ay mas maganda alcalyne base,wag tulad ng sosa talagang durog coil nyo.sa filter drier ok lang kahit replacement wag lang metering device(expansion valve).sigurado b sa refrigirant (freon)na kinakarga,me costomer kami nun galing daw sa shop malapit sa iglesia sa me edsa tinanong daw sya kung replacement o orig ung gingamit?laking kalokohan..malaman u lang ang daming FAKE na refrigirant ngayon dami prob.kaya pagtirik araw sibak..sa compressor dami magagawang remedyo pwedeng mapalin minor parts tulad ng bearing,shaft seal,clucth coil,hub at pulley kung laman loob tulad ng piston,scroll at major components ng compressor ay mas maganda kung comdemed u nalag at kung black oil na ung lumabas delubyo mundo mo.dami kasi nagtatayo ngayong ac shop wala ring Qualification ung tech ni hindi ata marunong gumamit ng vacuum pump at recovery machine....pasensya ho...kung tiwala ang basehan ok n un...tanong ko lang talaga bang satisfied kyo o nandyan nayan?kung me prolema kayo pm me im here to help about your question...

Aircon Repair: Mario Reyes