Mga gurus newbie question here at tsikot. Honda civic 96's aircon ganito problema. Ok ang operation pag makulimlim at bagong start ang kotse. Habang tumatagal and especially pag mainit, ang tagal mag-engage ng compressor clutch. Usually magre-rev muna ang engine ng mga 1.5k rpm for about 10-20 seconds bago mag-engage. And habang lalong tumatagal, humahaba ang revving time mga 1minute bago pumalo ang clutch! And pag pumalo na ang clutch after a long rev, nanginginig ang makina na parang gustong mamatay. Clear naman ang dryer sight glass during ac operation (walang bubbles) and lumalamig naman once mag-engage ang clutch so im assuming ok ang freon levels (or am I assuming too much?). less than 6 months since last cleaning and kakapalit lang din ng condenser fan. I'm planning to take this to mang mario. Iniisip ko clutch coil or compressor oil? Any inputs kung ano kaya ang problema? para hindi naman ako mabigla hehehe

[/quote
*insufficient freon level kaya mainit ang a/c kung may araw or kung okay naman ang freon check the aux fan at condenser might not functioning properly tendency mag-high pressure ng comp.
*Kulang ang grounding ng compressor mo kaya matagal or hindi gumagana ang automatic or sira na ang thermostat switch kaya matagal mag-engage.
*adjust mo na lang ang idle up mechanism once the aircon engage hindi manginginig ang makina mo.
*most problems after magpa-cleaning ay sumisingaw ang freon due to mostly leak at the oring. kung compressor oil yan masissira ang compressor parang kumatok na makina kapag naubusan ng oil ang compressor.
*just bring your ride to your trusted one they know what will do