New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 21 of 59 FirstFirst ... 1117181920212223242531 ... LastLast
Results 401 to 420 of 1163
  1. Join Date
    May 2004
    Posts
    130
    #401
    galing ako kay mang mario kahapon for backjob. malayo kami kanila mang mar kaya di na sana ko babalik kaya lang nung nagpaestimate ako sa denso sa may pasong tamo 9,100 diagnostic and palit ng kung ano ano. considering na di pa nila nakikita kung ano sira. grabe talaga sila.

    2weeks ago kasi pinacheck ko ac ko kay mang mar nawala kasi lamig. so diagnosis nila yung evporator may butas na so palit ng bago pero replacement lang. it cost me 2500 lang - labor, parts, freon. after 2weeks nawala nanaman yung lamig. check yung hose and linings wala naman singawn. then nung check yung condenser may singaw pala kasi natamaan ng busina sa harapan. ayun hinang lang ang katapat at back to normal na ac ko. for only 600 pesos

    dapat lang talaga siguro tutukan mo yung pag gawa at orient mo yung gagawa mabuti sa mga naging experience mo para ma pinpoint yung sira.

    730am palang 3 na agad yung naghihintay kahapon. Sabi nga ni mang Mar nung monday daw pag gising nya 8-10 customers na daw yung naghihintay kaya parang gusto nya nalang daw ulit matulog.. hahaha

  2. Join Date
    Jun 2005
    Posts
    3,774
    #402
    11 times na kami pabalik-balik kela mang mario for back job. after 11 visits, naayos na ang problema. pero di na ako babalik dun. MGA BASTOS AT WALANG KWENTA mga tao dun.

    alam naman ng mga tao dito kung pano nagbago paningin ko kay mang mario. kasi naman, ang dami na pinalitan wala pa din lamig. kahit na sobra init na nga ng air-con, sasabihan ka pa na maselan ka lang at malamig naman. trabahong pulpol ang gawa nila dun.

    pero ang pinakakinabibiwisitan ko eh yung tao nila na si pot? pati yung ryan. mga kasukdulan ng kabastusan yung mga yun.

    yung kay pot, akalain nyo ba naman, tinatanong ng matino kung ano mangyayari dun sa pinapasingaw niya na freon sa oto bigla ka ba naman hiritan ng "magantay ka nakita mo na nga madami ginagawa eh!" ok lang sana yun kung hindi ako pabalik-balik dun para sa back job. tapos nung tapos nya na gawin yung oto, sabi nya malamig na daw kahit na blower lang ang umaandar. diba ka-t*ng*han na yun? tapos backjob uli. binaba ang compressor at chineck. sabi ni mang mario ayos naman daw ang compressor. so lagay na sya ng langis. tinanong ng maayos kung ano langis nilalagay nya, di sumagot. so sige ayos lang. nung binalik na yung compressor, lalagay na sya ng freon. so cyempre tatnungin ko kung ano yung nilalagay nya kung r12 ba o r134a. tama ba naman na sagutin ka na "hindi ko alam". tapos nung sinabi ko kay mang mario, biglang alam na nung ogag na r134 yung hawak nya.

    so after nun, di pa din malamig at pinipilit nya na ayos na at bumalik na lang uli ako. pero di ako pumayag. so ginawa ni mang mario, sinabi nya na palitan ang expansion valve at drier. pinalitan ang exp valve pero yung nilalagay nya na drier eh yung generic drier na walang pressure switch. take note sa unang visit namin sira ang pressure switch kaya pinalitan. tapos nung mga succeding visits pinalitan ang drier dahil barado na daw. ang pinalit eh yung may slot para sa pressure switch. so natural dahil backjob dapat ang ipalit nya eh yung may slot din para sa pressure switch pero nung nilalagay nya, generic ang nilalagay nya. so sinita ko. tapos hiritan ka ba naman na "ang arte mo naman pareho lang yan!" sandamukal na kabobohan na talaga pinakita sakin ng mokong na ito. so kinabit na nya yung drier na bago at pinalitan ng may slot para sa pressure switch.

    nung binabalik nya pa yung evaporator, nabali nya pa yung clip ng dashboard di manlang mag-sorry. bastos talaga.

    so nakabit na ang expansion valve, evaporator, drier. karga na lang ng freon. nung kinakargahan, ok naman lumalamig na sa loob. pero ang nakakinis eh kitang-kita pa sa sight glass na kulang ang freon (madami bula) pilit na sinasabi na ok na yun. so natural sinita ko uli at sinabi na kulang pa ang freon. ayaw nya lagyan. tapos dumating ito si ryan. so sinabihan ko na kulang ang nilalagay na freon kasi may bula sa sight glass. tapos sinabihan ako na ok na yan. kahit may bula. malamig naman daw eh. ang akin naman eh pano ko malalaman kung nagleleak angtrabaho nila kung may bula na in the first place diba? so pinilit ko na punuin. ang ginawa ng pot na ito, kumuha ng isang timba ng tubig at binasa ang condenser at radiator ko. WTF! ano ginagawa ng mokong na yun? di naman mapupuno ang freon sa kababasa kaya pinilit ko pa din lagyan nya nga freon.

    tapos dating uli si ryan. sinabihan ko na punuin ng freon hanggang mawala ang bula. tapos sabihan ka ba naman ng "bkt ba mas magaling ka pa sa gumagawa?" aba! bastusan talaga. so hiniritan ko din na hindi ako bobo na walang alam ng pinapagawa ko. anyway, nakulitan at kinargahan ng freon. pero umandar uli mga kat*ng*han ng mga tao ni mang mario, hindi man lang nilagyan ng insulation ang mga hoses. so tumutulo ang ginawa nila. sa ibang shop ko na lang pinalagyan ng insulator.

    kaya di na ako babalik dun kasi bastos, walang galang, trabahong pulpol at balahura ang trabaho dun. mura nga walang kwenta naman ang mga tao.

    pasensya mahaba. bwiset talaga eh

  3. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    417
    #403
    Might be a little of over-confidence creeping in? Baka since madami sila customers e medyo petiks petiks na lang sila. Wag naman sana. I must admit hassle talaga pumunta sa kanila tapos kelangan maaga pa dahil sa dami ng tao. Yung expertise na lang talaga plus the cheap cost ang reasons kaya sila mabenta. I've been there once and ok naman service nila sakin so no complaints for me. Nakaka-disturb lang yung mga negative remarks talaga

  4. Join Date
    Apr 2006
    Posts
    913
    #404
    yeah, ako rin. medyo nakakapag-isip yung negative comments. so far so good naman yung trabaho nila sa kotse ko.

    i would think depende sa trumabaho. sa akin kasi si mang mario nag-diagnose saka nagdouble check. pag yung mga trabahador lang, medyo alanganin siguro.

  5. Join Date
    Sep 2003
    Posts
    287
    #405
    mahirap mag comment ng maayos after you're continously victimized

    maski sinong mang mario alam naman kung nakaka agrabyado kana

    ano ba naman yung pakikisama

    cguro naman sa tagal ni mang mario sa negosyo alam nya 'to

    bibilib pako kay mang mario if he offers something like ala nalang charge yung ganito etc... para naman maayos or sabihin nya na di nya kaya

  6. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    103
    #406
    Ive been to mang mar na rin naman, ok naman experience ko with regards sa repair and cleaning. para sa akin mura ang singil nila.

    ang sa akin lang naman ay nagkataon lang siguro na pare pareho mainit ang ulo ng mga tao nung time na un. tsaka i think depende na rin sa approach mo. no offense to anybody. nobodys perfect pero minsan hindi natin napapansin sarili natin na medyo hindi rin maganda sa ibang tao ang dating natin or ung attitude natin sa pakikipag usap or pakikiharap sa ibang tao.
    mas maganda pa rin syempre na daanin natin lagi sa lamig ng ulo at diplomasya.

    peace! :D

  7. Join Date
    Nov 2002
    Posts
    1,515
    #407
    Quote Originally Posted by Betz
    Ive been to mang mar na rin naman, ok naman experience ko with regards sa repair and cleaning. para sa akin mura ang singil nila.

    ang sa akin lang naman ay nagkataon lang siguro na pare pareho mainit ang ulo ng mga tao nung time na un. tsaka i think depende na rin sa approach mo. no offense to anybody. nobodys perfect pero minsan hindi natin napapansin sarili natin na medyo hindi rin maganda sa ibang tao ang dating natin or ung attitude natin sa pakikipag usap or pakikiharap sa ibang tao.
    mas maganda pa rin syempre na daanin natin lagi sa lamig ng ulo at diplomasya.

    peace! :D

    ako malamig ulo pero di ko na ki norek yun mga trabaho nila dahil talagng di na ko babalik dun kahit mura. imagine nag start sya mag karga ng freon pina start nya sasakyan after ko start tapos na raw lagyan ng freon kta ko dami pa bubles ganon daw talaga. ayun after 2 weeks la na lamig dba galing galing nila. to think na mas mura lang ng 500 pesos sa kanila dun sa suki ko aircon shop na standard trabaho.

  8. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    2,063
    #408
    bibili ako sa natio bookstore ng a/c guidelines.. AMP para di tayo maloko

  9. Join Date
    Aug 2003
    Posts
    1,621
    #409
    with all the bad feedback that mang mario has been having, pasalamat na dapat ako that i have low expectations. :P

    and that i haven't run across that chinese-looking dude!

    it's actually inevitable that quality drops as the volume goes up. i believe the same thing has happened to Zee now, so the former clients are now going to Cruven.

    the bottom-line is that these car-repair jobs are low-end, low-pay jobs. and anybody smart enough that you would trust them with your car, will probably not want to work at that kind of job. and even if the boss is a smart guy (speedyfix comes to mind), he's only one person and can't have oversight on everything.

    i've had so many experiences where i knew more than the person doing the repair, but hindi ako pinakikinggan so they screw things up. but then again i would never want to work as a mechanic. so..

    if this were Germany or any first world country being a mechanic would be a rewarding job. but look at their hourly rates. you really do get what you pay for.

  10. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    13,415
    #410
    Quote Originally Posted by orly_andico

    if this were Germany or any first world country being a mechanic would be a rewarding job. but look at their hourly rates. you really do get what you pay for.
    Well said.

  11. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    961
    #411
    Im going back there later kasi yun compressor na pinalit before maingay na ngayon. Could be the bearing sabi ng friend ko kaya papatignan ko. Ok naman yun lamig pero annoying lang yun ingay. Under warranty naman yun compressor e hopefully maayos o mapalitan.

  12. Join Date
    Aug 2004
    Posts
    42
    #412
    Quote Originally Posted by puroy
    Oks lang sir. Mahal pala pag compressor bearing's may sira.
    last year nagpalit ako ng compressor bearing, yung outer na rin kase. P1200 lang gastos, kasama na yung baba ng evaporator for cleaning and freon...

    Yung boss ko pala dito ko rin ni-refer. sa kanya kase, basta nagpakarga sya ng freon, 1 month eh ubos na sa leak. after nya magpagawa, 2 weeks lang ubos na...

    Hindi ko pa tinatanong ulet yung boss ko kung ano na nangyari pero mukhang napasama pa ata yung a/c nya...

  13. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    1,417
    #413
    Mukhang angdami nang negative feedback kay mang mario dito naglabasan na, dapat yata ilagay na ito sa mga palpak na shop, in fairness sa ibang shop na nakalagay doon since marami nang negative feedback sa airconshop na ito. para naman pag nabasa ni mang mario na kasama na siya sa palpak na shop magiisip isip sila at gagawa sila ng paraan na tumaas ang quality ng kanilang trabaho.

  14. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    961
    #414
    Di ko naman maintindihan kung bakit di maayos ayos yun mga ibang kotse na dinala dun when yun iba walang problema naman. Ano ba mga kotse nyo? Baka naman di nila na gustuhan yun tono ng boses nyo o the way you asked. Anyway, sana nga maayos na yun mga may back job dyan.

  15. Join Date
    Jan 2005
    Posts
    6,107
    #415
    Quote Originally Posted by orly_andico
    it's actually inevitable that quality drops as the volume goes up.
    Probably this is what's happening to Mang Mario's shop.

  16. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    2,063
    #416
    hehehe.. dami na negative feedbacks

  17. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    1,455
    #417
    naku! as I read this thread. looks like yung mga tauhan ni Mang Mario ang may problema. Siguro dapat bigyan ng seminar/training yung mga yun on customer service.

    balak ko pa namang patingnan yung compressor ko, sobrang ingay! may "hizzing" sound. lalo na pag maaraw, sana bearings lang. pero baka di ko na lang muna dalhin sa kanila. 1st reason is sobrang layo and 2nd baka abutin ako ng maghapon doon dahil sa mga nakapilang back-jobs. hmmmm

  18. Join Date
    Aug 2003
    Posts
    1,621
    #418
    Quote Originally Posted by puroy
    naku! as I read this thread. looks like yung mga tauhan ni Mang Mario ang may problema. Siguro dapat bigyan ng seminar/training yung mga yun on customer service.

    that's really funny. because pinoys are known for having some of the WORST customer service in the world. unless you pay them more.

    yung mga mekaniko etc. entry-level blue collar job yan. don't expect them to have any idea of customer service.

    if you want fantastic customer service, you'll have to pay for it.

    example: your neighborhood wash-your-car boy VS theveed.

    'nuff said.

  19. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #419
    During the '24 hour' Tsikot downtime, I went to Mang Mario.

    The Sentra's blower 1, 2, and 3 settings were not working. Only number 4 was. Turns out to be a resistor block problem. The original resistor block was not working anymore (expensive part) and someone had taken it to one of those shops on Caloocan for a repair. The original resistor was replaced with a universal one (I have no problem with this) but was improperly installed (no air flow over resistor).

    Norman revised the set up under the dash. 'Pang-yosi' was the fee. Blower works again.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  20. Join Date
    May 2005
    Posts
    43
    #420
    Kung pwede lang magsama ng di magandang salita dito tinype ko na. Eto lang mga ka tsikot, kung ang pinakamamahal nyong kotse ang pagagawa nyo ke mang mario, better think twice. Matindi doon, walang quality at malasakit ang gawa. Aanhin mo ang mura kung balahura ang pagkakagawa. I dont mind paying more basta makikita mong maayos ginawa. Iniwan ko car don 8am kse me pasok pako, 2pm na wala pa verdict kung ano problema, at 3 pm tapos na daw, nakakagulat diba. ambilis. So I went there immediately. general cleaning daw at o-ring sa compressor. The lady charged me 1200. Fine, malamig na. After 24 hours, nawala andar compressor. I went there at tinapik lang ang evaporator umandar na ang compressor. Sabi sakin me problema ang wiring. Sabi ko bakit di pa gawin, di daw nila linya at patingin ko nalang sa electrician. Thats bullshit kse electrical ng ac di daw nila alam. Punta ako banawe ke toto auto ac and electrical. Verdict, loose lang ang thermostat. konting hinang tapos. 180 pesos. So ok na lahat. Masama na loob ko kse simple lang naman ang problem di pa ginawa kala mang mario. Ginamit ko yung auto out of town, ayun after 1 hour of using it bigla humina buga ng blower. NAGYEYELO ANG EVAPORATOR. madumi. Anak ng tinola nilinisan daw ke mang mario, thats what I paid for 1200 pesos.
    So sa totoo lang hindi pala nilinisan don. Malamang tinapik lang yung evaporator para mag engange yung compressor at presto, kunyari nilinis at nagpalit o-ring for 1200 pesos. Binalak kong ibalik don noon para ireklamo pero hindi nalang. Sayang lang ang effort at stress. Pagawa nalang ako sa iba at wag ng pupunta don.
    Sa mura wala na sigurong tatalo ke mang mario, yun lang malaki ang chance na pabalik balik ka dun for backjob at kung kukwentahin mo e mas malaki pa ang nagagastos mo kesa pumunta ka sa mas mahal na shop. At kung mamalasin ka tulad ko na nag-iiwan ng auto, malamang sa hindi niloko ka na.

Aircon Repair: Mario Reyes