
Originally Posted by
lnce420
yung aircon ko kasi napansin ko pag nastuck ako sa traffic tapos mainit ang panahon e humihina yung lamig, then pag nakaarangkada na e lumalamig nanaman. di naman nagooverheat yung makina in fact sobrang baba ng temp nya sa guage, siguro nasa 1/4 or less.
so nadiskubre ko sira yung thermostat ko (eto yung nagreregulate ng flow ng coolant sa radiator at makina) bali stuck open yung thermostat. so ang assumption ko e since tuloy-tuloy yung circulation ng tubig e pati yung tubig sa loob ng radiator e umiinit na upto the point na naapektuhan na nya yung condenser.
sa palagay nyo po pag mapalitan ko na yung thermostat e masosolve na ang problem ko? nga pala wala din akong fan nanakainstall sa condenser.