Quote Originally Posted by CoolSwitch View Post
eto ba yung process na ibababa yung evaporator? may sinasabi din kasi yung AC tech dun sa shop na AC Cleaning, php900.00 yung price nung service including na yung re-charge?

What do you mean the ac system left open during engine replacement?

TIA ulit
Yes, ibaba yung evaporator for cleaning. Kasama na rin ang evacuation, recharge and leak test ng system. Not necessarily na palitan lahat ang mga items na sinabi ni Jick kung ayon sa service tech ay ok pa for further service.

Ibig sabihin ni Jick disconnected ang tubes ng aircon at naiwan na open to the atmosphere noong nag changed engine ka. In this condition ang atmospheric pressure ay papasok sa loob, ang hangin na pumasok ay may kasamang moisture na magiging tubig at sasama sa circulation ng refrigerant.Ang moisture (tubig) ay nr. 1 na kalaban ng ating refrigeration & airconditioning system.