New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 2 of 2 FirstFirst 12
Results 11 to 16 of 16
  1. Join Date
    Nov 2009
    Posts
    456
    #11
    Quote Originally Posted by advatech View Post
    Ano kaya ang cause nung high pressure? pag barado ang valve pwede rin ba maging cause ng high pressure at hilaw na lamig?
    Isa sa mga causes ng high pressure ay maduming condenser na katabi ng radiator. Pag puno na sya ng dumi (putik or tuyong dahon, etc.) nahihirapan na dumaan ang hangin sa gitna ng coils kaya hindi sya napapalamig ng auxiliary fan. Pwede sya linisin ng pressurized air sa gasoline stations or aircon shops.

    Pwede din mag high pressure ang cooling system kung mahina na umikot ang auxiliary fan ng aircon. Malinis nga ang condenser pero kung kulang ang volume ng hangin na dumadaan dito (dahil sa sira or mahinang fan), high pressure ang mangyayari at hihina ang lamig sa cabin.

  2. Join Date
    Dec 2008
    Posts
    216
    #12
    TS,dalin mo muna sa ibang shop para may second or third opinion ka. recommended shops are the following:1. Innovate - Banawe2. EEB - Timog3. Ceejays - las pinas areabaka nga freon lang yan eh. yung saken kasi after ko magpalinis ng AC, naging hilaw ang lamig. nagduda tuloy ako na baka local ang freon na nilagay. ayun nagpa-vacuum tsaka recharge ako ng freon. ngayon malamig na ulet. confirmed nga na local or fake yung ginamit sa pinagpalinisan ko ng AC.

  3. Join Date
    Sep 2009
    Posts
    283
    #13
    Yung "katol" ay yung spiral chamber sa loob ng compressor na nagcocompress ng refrigerant. This is for scroll-type Sanden compressors which are OEM for Honda Civic.

  4. Join Date
    Jan 2010
    Posts
    28
    #14
    Quote Originally Posted by tanatej View Post
    Yung "katol" ay yung spiral chamber sa loob ng compressor na nagcocompress ng refrigerant. This is for scroll-type Sanden compressors which are OEM for Honda Civic.

    Magkano rin po ung repair nito?

  5. Join Date
    May 2010
    Posts
    5
    #15
    Mga kapatid, makikiride lang sana ako dito kung OK lang...

    nagpalinis po ako ng AC. Palit drier worth 150 at expansion valve worth 350 at oil daw na worth 50 pesos na nilagay sa bote ng mineral water na maliit...mga walang tatak po. yung mga pinalitan ko pong piyesa ay may mga tatak po. after po magpalinis, mejo di na gano kalamig yung AC ko.. malamig pero di na gaya talaga nung dati na malamig talaga! di tulad dati na masakit sa balat yung lamig.
    tapos pag nakatodo yung temp,di sa nagootomatic. naka taas lang yung menor.parang di niya mareach yung lamig siguro. ewan ko po. binuhus-buhusan pa ng taga shop yung condenser para mag automatic.
    bago po yung freon and my compressor is 507 daw. sanden ata yun.. help naman po kung tingin niyong dahil sa mumurahing expansion valve ang prob. yung pinaitan kong expansion valve is "eaton" or "eyton" ata... im not sure...

    pinacheck ko sa ibang shop,sabi nag hhigh pressure daw.
    ilagay ko lang daw muna dapat sa gitna yung temp at obserbahan at dapat daw maganda yung expansion valve na binili ko at mejo kulang din daw ng karga ng freon...
    sabi dun sa shop dapat mga nasa 750 yung expansion valve.
    yung drier ok lng daw kahit yung umurahin.

    backyard tropa lang po ang naglinis ng AC ko. ayaw ko na ibalik sa kanya.

  6. Join Date
    Feb 2011
    Posts
    3
    #16
    mga bro paki tulong ang air con ko pina ayos ko, pinalitan ang expantion valve may oil pa linagay sa hindi ko alam na parts, pati drier pinalita at nilinis pa lahat ng parts ng aircon, pro nang ayos na, linagyan din ng freon total amount na bayad is 5900, kong naka idle may lumalagatic sa compressor,, sabi nya may diperensia daw ang compressor. sa una malamig pro after one month na wala na ang lamig, pina tingnan ko sa ibang tiknisian sabi nila walang sira ang compressor kondi kulang lang sa linis sa loob ng compressor at sa ibang parte na dinadaanan ng freon. gaano ka reliable ito kasi balak ko sanang bumili ng compressor kahit na second hand lang.
    at saan ako makabili nito ng mura.. may car is mazda 323 glxi 97 model.
    may other option is sabi sa kabila, linis lang daw at palitan ng expansion valve, drier, freon, ...

Page 2 of 2 FirstFirst 12
AC compressor problem