Quote Originally Posted by advatech View Post
Ano kaya ang cause nung high pressure? pag barado ang valve pwede rin ba maging cause ng high pressure at hilaw na lamig?
Isa sa mga causes ng high pressure ay maduming condenser na katabi ng radiator. Pag puno na sya ng dumi (putik or tuyong dahon, etc.) nahihirapan na dumaan ang hangin sa gitna ng coils kaya hindi sya napapalamig ng auxiliary fan. Pwede sya linisin ng pressurized air sa gasoline stations or aircon shops.

Pwede din mag high pressure ang cooling system kung mahina na umikot ang auxiliary fan ng aircon. Malinis nga ang condenser pero kung kulang ang volume ng hangin na dumadaan dito (dahil sa sira or mahinang fan), high pressure ang mangyayari at hihina ang lamig sa cabin.