Mahirap ba talaga lagyan ng buo na tint film yung buong front windshield?

Pinalagyan ko kasi sa casa ng tint yung car since it is included with their offer. ang bilin ko ayaw ko ng may tabas yung tint na ilalagay sa front winshield. buo dapat ang ilalagay. kaso nung naibalik yung sasakyan sa akin, nakita ko na hindi isang buo yung tint film, dalawang film na pinagdugtong. halos nasa gitna pa nagmeet yung dalawang tint film. so nasa line of sight ko yung guhit na yun kaya nakaka-distract. Ang sabi sa akin nung gumawa, hindi daw kaya ng isang buo yan... kailangan i-blower kaso baka mag-crack daw ang windshield.

ngayun, iinisip kong ipaulit yung tint sa windshield, kaso it would cost me around 1k. hindi ba talaga kayang 1 whole film ang ikakabit? subcompact lang ang size ng kotse ko so maliit lang ang windshield.. any tips?

ay, oo nga pala, first time poster ako, hehe