
Originally Posted by
peps
May nakasabay akong Vios kahapon na nagpakabit (Aug 1, ganda talaga nung 3rd gen hehe), SPF promo din daw yung sa kanya.
Anyway, nandun ako kahapon sa Paco office nila for the back job ng front sides and WS ko. Pinalitan naman. Umabot ng 4 hours,
Bago ako umalis ng shop, dun sa WS sa driver side, may umaangat na part (edge ng WS), medyo may kalakihan. So hinagod ulit, nawala. Tapos napansin ko may nagpupunas-punas, anak ng tatanga-tanga nagpupunas ng wala man lang tubig or ONR-like na gamit! Dun ako naasar kasi kitang kitang na nagka-swirls yung oto ko. Grrrrrr!!! >.< Pinaubaya ko na lang kay Lord yung galit ko kasi hhighbloodin na ako sa inis!
Eto umalis na ako, nung nandun na ako sa tapat ng Toyota Otis, napansin ko umangat na naman yung hinagod kanina at mas lumaki! Buti na lang at nasa area pa ako, balik ulit ako sa office nila at pinahagod ko ulit. Siguro asar na asar na sa akin yung mga tao dun balik ako ng balik haha! Sabi siguro nung mga yun, City lang naman ang oto ko. hahaha!
Fast forward today, guess what, umangat na naman yung part na yun. Antayin ko muna mag-1 month. Kapag yun hindi nawala, papapalitan ko ulit yun. Worst tint job na ata eto na na-experience ko, to think na napakamahal ng tint nila. Parang di na tuloy justified yung presyo. (Gas at oras)
P.S.
Nung pinakita ko yung sunog ng headliner ng oto ko, wala man lang silang sorry or compensation na binanggit. FYI, di ko sila sinisiraan, nilalahad ko lang yung experience ko. (Sunog na headliner, ngayon naman swirl marks)