New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 1 of 2 12 LastLast
Results 1 to 10 of 45

Hybrid View

  1. Join Date
    May 2007
    Posts
    2,640
    #1
    Naka experience ba kayo dun sa mga kinasal na at doon sa mga kakasal pa lang, nag invite kayo ng lets say a couple, "Mr. & Mrs." tapos ang dumating ay buong pamilya nila? Very unethical diba?

    Or isang invitation nakalagay "strictly formal" tapos makikita mo sa wedding merong naka T-shirt or kaya naka jeans....

    Or isang RSVP invitation na ang guest nagsabing pupunta tapos hindi naman dumating?

    Do share us your experiences here mga Tsikoteers at alam kong naranasan na rin ninyo ito!

  2. Join Date
    Aug 2005
    Posts
    4,293
    #2
    invite mo na lang mga people you know who follows the "rules" of your invitation....ke sa ma spoil ang wedding mo...bad trip lang makita mo sila.

  3. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    1,076
    #3
    depende na kasi yan sa kung anong klaseng angkan meron ka at yung nakaugalian na..at kung anong klase circle of friends mo..

    kaya nga minsan yung mga kinakasal nagaadjust ng magiging tema lalo na kung gusto talga nilang makapunta lahat ng mga mahal na kamaganak lalo na yung mga di naman sanay sa mga sobrang pormal na pagdiriwang..

    or yung iba naman 2x nila ginagawa seremonya to cater both..isang super solemn super formal na piling-pili ang guests..at isang semiformal affair na para sa lahat...

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,820
    #4
    bakit kasi yung guest ang pinagtutuunan mo ng pansin? ang bida sa kasal ay ang bride and groom, all others are just there as witnesses. ano ba kung dumating sila na hindi formal ang attire (malay mo di nakabili ng damit kasi bumili ng bonggang regalo para sa newly weds), or madami sila at wala sila maupuan kasi reserved ang seats for so many guests lang (malay mo naman sobra tuwa nila na ikakasal ka na at gusto nila maki-share sa hapiness nyo), or hindi dumating (nahihiya kasi wala sila regalo o pambili ng formal attyre na gusto mo, or sobra dami ng gusto pumunta kaya di na lang at baka magalit ka). basta yung ikakasal e happy, nothing else matters di ba.
    Last edited by yebo; November 30th, 2007 at 12:37 PM.

  5. Join Date
    Nov 2005
    Posts
    989
    #5
    Yup, expected to have some of these. Kaya we just increased the ordered seats sa reception in anticipation of some net increase from unconfirmed guests who may arrive, and those who confirmed but might not actually arrive.

  6. Join Date
    Mar 2004
    Posts
    434
    #6
    well. regarding weddings. sa amin. we prefer people come as they are comfortable with. mahirap naman i obligate ang guest to wear formal. paano yung mga wala rin ready wear na barong or coat and tie? wag lang naman yung tshirt and beachwalk. hehehe


    obligate lang namin mag formal are the sponsors and mga kasama sa wedding (like mga kamaganak/friends na may role sa wedding etc)


    in my opinion. not being able to attend an RSVP wedding or not conforming to the Formal Dress request of the Host is not totally unethical. there could be an emergency that coincided with the event. stuffs like that. or they may not be able to afford barong (or they have barong but would not fit) or shy to borrow from others.

    one thing thats unethical would be for the host not be happy at the person or couple to have been able to attend the/their wedding not formally dressed. atleast they came right? kahit na their sticking like a sore thumb from all the formally dressed guests on the event.

    as for the additional bitbit na kasama, yun ang rude. but it always happens. and so, just adjust a little more seats. kung sila pa iintindihin mo masisira lang araw mo. just be ready for things that "usually" happens.

  7. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    40,126
    #7
    Quote Originally Posted by yebo View Post
    bakit kasi yung guest ang pinagtutuunan mo ng pansin? ang bida sa kasal ay ang bride and groom, all others are just there as witnesses. ano ba kung dumating sila na hindi formal ang attire (malay mo di nakabili ng damit kasi bumili ng bonggang regalo para sa newly weds), or madami sila at wala sila maupuan kasi reserved ang seats for so many guests lang (malay mo naman sobra tuwa nila na ikakasal ka na at gusto nila maki-share sa hapiness nyo), or hindi dumating (nahihiya kasi wala sila regalo o pambili ng formal attyre na gusto mo, or sobra dami ng gusto pumunta kaya di na lang at baka magalit ka). basta yung ikakasal e happy, nothing else matters di ba.

    ditto, hinde naman yun couple ang mapaphiya eh yun mga dumating ng underdress etc...

    and expected naman sa lahat ng weddings or even parties na meron laging sosobra na guests eh, so lagi naman meron buffer for "unexpected" guests...

    kung gusto invite yun exact numbers lang eh di maglagay sa invitation ng "we have reserved ___ seats for you" so para understood na yun magasawa lang ang invited...

  8. Join Date
    Nov 2006
    Posts
    473
    #8
    bawian na lang. bulungan mo ang emcee sa reception na medyo 'gisahin' ang mga
    pasaway. tiyak mapapahiya mga yan. hehehe... pero after the programme, apologize
    na si emcee. pero i-remind pa rin niya kung bakit sila bida - jokingly para hindi masyadong masakit. hehehe...

    mostly ang mga pasaway ay yung mga kamaganak ng ikakasal.

  9. Join Date
    Feb 2005
    Posts
    6,099
    #9
    Quote Originally Posted by shadow View Post
    kung gusto invite yun exact numbers lang eh di maglagay sa invitation ng "we have reserved ___ seats for you" so para understood na yun magasawa lang ang invited...
    this was what we did exactly during our wedding. at the bottom portion of the invitation, we put that phrase, also, we include " instead of gifts, we prefer monetary support from our guests to help us for our new beginning as a couple".

    Presto! nasunod lahat yun. even the RSVP ek ek, tawagan lahat ng makakapunta at hindi, pero yung gifts ng di nakapunta, nakarating pa din

  10. Join Date
    Oct 2003
    Posts
    699
    #10
    Quote Originally Posted by yebo View Post
    bakit kasi yung guest ang pinagtutuunan mo ng pansin? ang bida sa kasal ay ang bride and groom, all others are just there as witnesses. ano ba kung dumating sila na hindi formal ang attire (malay mo di nakabili ng damit kasi bumili ng bonggang regalo para sa newly weds), or madami sila at wala sila maupuan kasi reserved ang seats for so many guests lang (malay mo naman sobra tuwa nila na ikakasal ka na at gusto nila maki-share sa hapiness nyo), or hindi dumating (nahihiya kasi wala sila regalo o pambili ng formal attyre na gusto mo, or sobra dami ng gusto pumunta kaya di na lang at baka magalit ka). basta yung ikakasal e happy, nothing else matters di ba.
    +1

    eto lang comment ko: ingat sa mga guest na hindi niyo kilala. may mga dumadating na magnanakaw sa wedding. minsan, ang ganda pa ng suot. formal na formal. yun pala pag nalingat ang mga guest e ninanakawan na ng mga wedding crashers. during our wedding, my bride and i made it a point na pag may nakita kaming mukha na hindi namin kilala, ipinapatanong namin sa best man ko kung sino ang taong ito. kasi nga baka magnanakaw. you can imagine kasi na ang mga guest sa wedding kadalasan e in their "sunday best" kumbaga: mamahaling mga bag at jewelry ang suot, at kadalasan nagkalat pa ang mga digital camera na nakapatong lang sa mga lamesa.

    BTT: we didn't mind ano suot nila or kung medyo naghatak sila (basta kilala namin). importante maging masaya kayo ng spouse mo.

    also, kudos to our wedding coordinator. siya talaga nag-handle lahat ng sakit ng ulo, even the excess expense. a week before the wedding, nagpa-set aside na siya ng contingency fund specifically nga kung medyo lumagpas ang estimated budget. kaya on the day of the wedding, absolutely wala na kaming pinrublema. (pati mga tip sa mga waiter at bellhops, naayos na din niya.)

Page 1 of 2 12 LastLast
Wedding Etiquettes