
Originally Posted by
dfa172001
last week galing kami doon,white beach. ok pa ang crowd, hindi pa marami, 1500 per room, beachfront yan, pero mas marami sa likod na mga lodge, magaganda kuwarto, walking distance lang sa beach,
a/c, tv with cable, ang mahal ng pagkain at softdrinks, 1 liter na coke, 60 pesos, itlog 30 pesos, hotwater nga 5 pesos, tapsilog 70-80 pesos, tip ko magbaon kayo ng canned goods, 3 in cafe, noodles, sitsirya, softdrinks,
ang snorkeling and banana ride 1500, ang mura doon mga souvenirs na damit and shorts range from 80 to 150 pesos, ang pamasahe pala sa banca 200 one way, 340 two way. kung me dala kayo sasakyan, ang parking 130 a day, pero dun sa tapat ng guard, puwede rin, aabutan mo lang ang guard, bingyan ko ng 150 for 3 days, pag nasa pier na kayo, diretso kayo sa terminal 3, marami kasi lalapit na ahente ng banca, kapag pala sasakay kayo ng outrigger banca, yung falcon ang sakyan nyo, ang tulin, kasi 3 v8 ang makina nya. hindi tumitirik, tip sa akin ng mga bangkero, saka safe daw, saka daw yung sister na banca nya, forgot lang yung name, yun kasing m/b brian tumirik uli sa gitna ng dagat, naputulan ng elisi kaya hinila, yan din yung tumaob nong december, overload, ang experience ko lang dyan, nakakatakot sa banca lalo na sa gitna ng dagat , hinahampas ng alon yung banca. pero ang sarap bumalik. enjoy..