New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines

Page 3 of 7 FirstFirst 1234567 LastLast
Results 21 to 30 of 68
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,820
    #21
    Quote Originally Posted by vinj View Post

    Si Yebo kasi, galit sa road trip, inuubos lahat ng pwedeng puntahan.
    ikaw kaya ang makulong sa bartolina every month, syempre pag laya mo gusto mo fresh air.

    pinagtritripan nyo ko, mabagal nga ako mag-drive e. mas mabilis kaya yung tricycle na nasa unahan ko lagi. pero seriously pag mga 3am ka lumarga solo mo ang daan, walang tricycle, walang jeep, walang kuliglig. kalaban mo lang sa magilas e kalabaw. buti sana kung nakaharap yung kalabaw sa iyo at reflectorized yung mata, e kung wetpaks yung nakaharap e light absorbing material ang balat nun hirap makita hehehe.

    * gtamp,
    kayang-kaya mo yan lalo na 1am lakad nyo e libre kalsada nyan. day before pa lang matulog ka na ng maaga, tapos mga 4am gising ka na. then 5pm same day dapat tulog ka na. gising ng 12 midnight, hot shower, coffee, larga na. high beam mo lagi pag ikaw lang naman nasa daan para malayo pa lang kita mo na.
    blue lagoon pala, pag on a budget at natikman nyo naman na yung luto sa resto dun e may mga "paluto" dun sa mga kubo before ng mga resorts. pwede mo ask kung ano ang catch of the day tapos pag natripan mo paluto mo na. para maiba naman sa lasa ng restaurant, and spread the business na din.
    sa kabigan falls (about 30 minutes walk from the tourist parking area of the barangay) meron na din nagluluto dun, orderin mo lang 2 hours before and i-deliver nila dun sa may falls.

  2. Join Date
    Jun 2012
    Posts
    1,490
    #22
    Kelangan mo rin sigurong alamin ang mga alternative routes kasi kung lalakad kayo during the holy week or summer. Baka makatsamba kayo ng procession, parade, fiesta, re-union motorcade. Baka doon na kayo matulog sa daan.

    Pag nag detour, at least may idea ka kung saang town ka dapat lalabas. Mga possible heavy traffics:
    1. Tarlac City - mag Lapaz
    2. Carmen hanggang lagpas ng Urdaneta City - La paz
    3. Rosario pag fiesta or may parade -normally traffic will be re-routed to Pugo
    4. Agoo pag fiesta or may procession - re-route to Pugo
    5. San Fernando City - by pass to San Juan

    Other towns sa north walang by-pass

  3. Join Date
    Jul 2011
    Posts
    262
    #23
    maraming salamats talaga sa inyo.. all noted po yung mga tips

    bago mag blue lagoon ba ito? >> Cape Bojeador and Paoay (Church and Malacanang of the North), and Vigan

    curacha sa may foot ng Patapat Viaduct<<<< pagkain po ba ito?

    eto kasama na sa baon ko>>>COFFEE CANDY... and lots of water.>>>> plus cobra

    yes yun nga gagawin ko/namin..tulog ng maaga mga 830pm then gising ng 300am. tapos lahat ng babaunin/dadalhin eh iprepare na sa van para sa pagkahapon cguro mga around 4pm magdidinner na then by 6pm matutulog na..gising ng 12midnight..alis ng 1am

    2nd week kami ng march pupunta dun.. malapit na

  4. Join Date
    Dec 2005
    Posts
    39,162
    #24
    Quote Originally Posted by gtamp View Post
    maraming salamats talaga sa inyo.. all noted po yung mga tips

    bago mag blue lagoon ba ito? >> Cape Bojeador and Paoay (Church and Malacanang of the North), and Vigan

    curacha sa may foot ng Patapat Viaduct<<<< pagkain po ba ito?

    eto kasama na sa baon ko>>>COFFEE CANDY... and lots of water.>>>> plus cobra

    yes yun nga gagawin ko/namin..tulog ng maaga mga 830pm then gising ng 300am. tapos lahat ng babaunin/dadalhin eh iprepare na sa van para sa pagkahapon cguro mga around 4pm magdidinner na then by 6pm matutulog na..gising ng 12midnight..alis ng 1am

    2nd week kami ng march pupunta dun.. malapit na
    Cape Bojeador and Paoay (Church and Malacanang of the North), and Vigan - Yes, bago mag-Pagudpud

    curacha sa may foot ng Patapat Viaduct<<<< pagkain po ba ito? - Yes, a variety of crab

    Safe travel, bro. Enjoy!

    18.3K:tomato:

  5. Join Date
    May 2006
    Posts
    8,357
    #25
    Quote Originally Posted by CVT View Post
    curacha sa may foot ng Patapat Viaduct<<<< pagkain po ba ito? - Yes, a variety of crab

    Safe travel, bro. Enjoy!

    18.3K:tomato:
    Akyat ka lang ng half kilometer sa Paraiso ni Anton mas maraming seafoods/seaweeds dun.

    Newest attraction ng Ilocos Norte ngayon yung Kapurpurawan sa Burgos at zipline sa blue lagoon.

    Listahan ng pwede nyong puntahan
    1. Paoay Lake/Sand dunes
    2. Laoag sinking bell tower
    3. Cape Bojeador
    4. Kapurpurawan
    5. Wind mill
    6. Pagudpud beach
    7. Hannahs beach resort/blue lagoon (experience the longest zipline in asia here)
    8. Patapat viaduct
    9. Paraiso ni Anton
    10. Side trip ka na rin sa boundary ng Region 1 at 2 lapit na yan mula sa viaduct

    wag kakalimutan ang Bagnet, empanada, paksiw at longganisa ng laoag.

  6. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    10,820
    #26
    forget ko sabihin,

    sa pagudpud along the road may makikita ka na "to pagudpud" na left turn. yun ang papunta sa town proper. ang blue lagoon diretso pa, huwag ka pupunta sa town. malayo pa yung blue lagoon. sa mountain road sa may dulo may makikita kang sign sa left side yung mga resorts ng blue lagoon. turn left ka dun yun ang papunta sa blue lagoon. nung andun kami may mga tricycle dun sa kanto at may nagtitinda ng sea foods (yung curacha). rough road yung sa dulo na, dun yung mga resorts.

    malalaman mo na nalampasan mo yung left turn going to blue lagoon pag nasa patapat viaduct ka na.

  7. Join Date
    Jul 2011
    Posts
    262
    #27
    tenkyu tenkyu talaga..excited na kinakabahan na ako yung mga kasama ko parang wala lang..parang inasa lahat sa akin kase ako daw driver

    hindi ako masyado kakabahan kung araw lang sana byahe namin..kaso yun nga mas pabor daw kung gabi sisimulan ang byahe.. may mga checkpoint bang madadaanan?

  8. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    2,277
    #28
    Ano naman ang ma rerecommend na gas station along the way para mag refill? Siguradong kailangan mag refill along the way sa tagal ng biyahe na ito.

  9. Join Date
    Feb 2009
    Posts
    46
    #29
    Ang technique dapat wag mo papababain sa halfway mark ang gas gauge mo. Maraming gas stations along the way pero yung iba sarado kapag gabi na. Mas mahal din ang gas kapag nasa bandang norte ka na. Mura pa gas sa bandang Candon. All in all maganda naman ang road condition going to Ilocos Sur and Norte. Huwag masyado magmadali sa pagmamaneho. Ok lang matagal ang byahe basta safe kayong makarating. Kung isa ka lang driver, mahirap talaga labanan ang antok. Huwag pipilitin kapag nakaramdam na ng antok. Tumigil muna sa safe na lugar and umidlip ng konti. Huwag din kumain ng masyado madami sa mga stop over, ito isa sa malakas makapagpa antok. Kung condition ang sasakyan, dapat mas condition ang driver. Have a safe trip. Masarap bumalik diyan sa Ilocos..

  10. Join Date
    Feb 2009
    Posts
    46
    #30
    Oo nga pala, sa Pagudpud walang ATM machine, so dapat sa Laoag pa lang mag withdraw na kayo..

Page 3 of 7 FirstFirst 1234567 LastLast

Tags for this Thread

panu pumunta sa pagudpud!