Ganda ng mga kuha mo dre... Pero kulang pa ikot nyo sa Southern Luzon, na try nyo na ba sa Irosin, Sorsogon? Im not sure kung pinakadulo na ng bicol to pero once na dun n kayo...sulit. Average 15 hours sa manila or kung kaskasero ka 9-10 hours, ayon kung buhay k pa. Kala ko nga nakita ko na ganda ng bicol pag dating dun sa part ng Legaspi.. di p pala.

Pag pasok ng Irosin andun na agad ang umuusok na Bulusan Volcano. Medyo kabado p ngako nung una kasi katapat ng bahay na tinutuluyan namin. Sa San Binon lang meron ng natural hot spring, first time ko bumabad dito at 2 oras ko bago umahon. Pag ahon sabay inom, shot ng fundador then pag lasing na balik uli sa tubig, ayos! tanggal lasing sa init.

Pangalawa papuntang Bulusan Lake, madadaanan nyo makipot na daan surrounding virgin forest, waterfalls, giant ferns at maswerte ka pag nakakita ka ng mga ahas. Sa dulo ang reward, Bulusan Lake. Nakanganga ko nung makita ko, sobrang ganda. Sarap kumuha ng pics. Di n kami nagikot sa lake mismo kasi nakakatakot halos iilan lng ang tao. Para kasing solemn ang lugar na ayaw paistorbo.. 2 lng ito sa mga magagandang napuntahan ko sa bayan ng irosin at marami pako dpat ma-explore...kulang ang isa or dalawang araw ng pagiikot.

Kung nature trip lng, di pwedeng mawala ang bayan ng irosin..