Results 121 to 130 of 144
-
March 13th, 2008 11:21 AM #121
I think kids will enjoy a visit. :D
may time line na ba kung kailan talaga matatapos?
kumpleto na ba ang mga aquariums?
-
March 13th, 2008 12:41 PM #122
-
March 13th, 2008 01:51 PM #123
Di pa sya totally completed...I guess around 70% pa lang
Like ung main entrance is still not finished with rough concrete pa.
Pero ung main aquarium sa Ground floor is okey naman.
Yung second floor was opened pero nothing inside, just a plain view of the aquarium you have seen below.
Some says December pa daw fully operational like may restos at souvernir shops especially sa 2nd floor. And for sure, entrance fee will be higher.
Grabe pila couple of weeks back, haba from entrance all the way to the carpark.
But just the same, enjoy mga kids as you cannot find similar place here in the Phils.
-
March 13th, 2008 04:04 PM #124
Sana ma maintian nila to ng maayos kahit magsingil sila ng medyo mataas..Naalala ko 3 or 4 years ago dinala ko panganay ko sa Manila Zoo, entrance is P10 at or P20 sabi ko sa loob ko parang ang mura ah..Pag ikot namin sa loob dami basura, pagdating namin sa Hippo cage, sabi ng anak ko dad diba dog yan, pag tingin ko may aso sa kulungan ng hippo..walang hippo patay na ata, yun aso alaga daw ng caretaker
Kaya pala mura pro replacement animals nalang wala na yung orig
-
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Feb 2007
- Posts
- 21
March 23rd, 2008 07:25 PM #126Kagagaling lang namin kanina. Grabe dami ng tao. Walang maayos na sistema kaya ang haba ng pila. Malas pa, ang tindi ng init ng araw kaya nakapila kami sa ilalim ng init ng araw. Pso 400 ang entrance fee para sa adult at sa kids below 4.5 feet but above 2 feet, Pso 350. Libre pag below 2 feet yung bata.
Nagtyaga kami pumila pero meron makapal ang mukha, nasa likuran ng pila namin noong umpisa, nakita namin mga 10 metro sa unahan namin. Group of four sila, may kasamang bata. Sana lang makapulot ng magandang aral yung bata somewhere pag laki nya. Anyway, yon ang patunay na wala nga talagang sistema.
After an hour and a half, nakapasok na kami. Ang daming tao sa loob. Maliliit na aquarium ang makikita, laman ay iba't ibang klase ng isda o sea creatures. Ang kitid ng alley so ang siste, kumpulan kayo sa pag-uusyoso sa kapirasong bintana ng aquarium. Sana man lang, nilagyan ng bakod mga 2 feet ang layo sa aquarium para hindi matakpan ng iilan yung view. Grabe pa yung iba, akala mo gumagawa ng documentary habang kinukunan ng picture ang hayop sa loob ng aquarium. Walang paki sa mga amuyong na naguusyoso sa kanyang likuran.
Pasok pa kami sa loob. Mas malaki na yung aquarium at hindi na masyadong marami ang naguusyoso. Libre kang manood sa iba't ibang isda na lumalangoy habang minsan, may scuba diver na naglilinis ng aquarium o nagpapakain ng isda.
Punta naman kami sa glass tunnel kung saan para kang nasa ilalim ng dagat. Itsura ng underpass sa Quiapo tuwing Biyernes sa dami ng tao sa loob ng tunnel. Grabe sa init, kahit naka-aircon, mababasa pati underwear mo! Eto na siguro ang pinaka-climax ng munti naming adventure. Maganda tingnan ang napakaraming isdang lumalangoy sa paligid mo. Minsan nga, makikita mo ang pagi/stingray na lumalangoy mula sa ibaba hanggang sa itaas mo.
Pagkatapos nito, may malaking aquarium ng maliliit na shark. Pwede mo itong tingnan habang nasa ibaba ka o di kaya punta ka sa second floor para makita mo mula sa taas. Nawili akong tingnan ang mga ito habang ako'y nasa ibaba. Hindi dahil sa mga pating. Nakita ko kasi mula sa pwesto ko yung magandang babaeng sinusundan namin kanina. Nasa taas sya habang dinudungaw ang mga pating. Nasa ibaba naman ako habang dinudungaw ang kanyang panty. Buti na lang malinaw ang tubig - kita ko ng buong buo.
Ilang minutong pag-ikot pa at lumabas na kami. Kung hindi nga lang sa presyo nito, e baka napaaga ng ilang minuto ang paglabas namin. Sa kabuuan, hindi ko ito ire-rekomenda sa mga taga-Cavite o yung mga lumaki sa Batangas. Kasi, sa tulad kong lumaki sa Kawit, walang bago sa aking naranasan. Hindi ko rin ito ire-rekomenda sa mga nais matuto kung ano ang nasa ilalim ng dagat. Maari mo itong makuha sa internet at pagkatapos, manood ng Deep Sea 3D sa IMAX d'yan sa MOA. Sa halagang Pso 250 na entrance fee sa IMAX-MOA, mas mararamdaman mo ang inter-action sa mga deep sea creatures sa palabas na ito kaysa sa pumunta ka sa Ocean Park.
I will normally not make a lengthy comment on certain things but since I just got off from a "holy retreat", thus this assessment.
But normally, I would just say, "It sucks!".
-
-
BANNED BANNED BANNED
- Join Date
- Dec 2003
- Posts
- 98
April 10th, 2008 01:06 AM #128Nice comment Rhumble. My family had the same experience when we went there last March 9. Chaotic ang pila sa loob, crowded inside at sobrang init. Akala ko ba world class ito...shortchanged na naman tayong mga Pinoy. Not worth the P400 entrance fee imo.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Feb 2007
- Posts
- 21
April 10th, 2008 07:31 AM #129I just tried to laugh things off, but seriously, Manila Ocean Park should find ways to treat their paying customers as VIPs. Korina Sanchez and Jessica Soho seemed to have enjoyed their visit simply because they were treated as VIPs (promotion syempre!). Ted Failon who chose to mingle with the common patrons had the exact experience as I had. He narrated this in his daily program in DZMM.
Kung hindi pa sila ready, why open the theme park? Or why charge for Pso 400? Feeling tuloy namin, we were robbed!
OT: Kung misadventure sa fantasy land, walang tatalo sa current dillema ko! Ito yung adventure ko ngayon sa mahiwagang kaharian ng LTO. Hintayin nyong matapos ang pagre-rehistro ko at isusulat ko naman ang susunod kong misadventure! Tapusin ko muna, at baka hindi nila i-issue ng tuluyan yung rehisto ng kotse ko. :p
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Apr 2008
- Posts
- 195
April 13th, 2008 06:52 AM #130maganda daw sabi ng mga friends ko na nakapunta na. i'll make sure na mapupuntahan ko sya.
Is it true na may recall ang yaris cross hev recently regarding sunroof issue? Lol.
China cars