Napag-usapan na lang din ang mga airlines.....
Nasubukan nyo na bang ma-delay ang flight ng 8 hrs?

That happened to me with PAL! I was still working in Bahrain before (1996). Pabalik na ako ng Bahrain, from my vacation (via Dubai). From Dubai, connecting flight ako via Gulf Air na. Yung plane na sasakayan sana namin, never arrived (from Dubai). Na-cancel yung Dubai-Manila flight. Kaya wala kaming masasakyan. Nu'ng una, delayed lang daw ng 2 hrs. Then another announcement na another 2 hrs. Marami na nagreklamo.
Then eto na, since wala ngang plane na available, in-announce ng PAL, na yung plane na galing Sydney yun pa pinahintay sa amin. Yung flight naming hapon, gabi na ang alis. Yung mga passengers, sa NAIA waiting lounge lang. Di man lang kami pinag-hotel. Ang meryenda, napakasarap! Nakikita ko lang ito sa mga lamayan.........yung "walang kamatayang" egg sandwich at yung patok na Sunny Orange drink!
Eventually, ipina-cancel ko rin yung flight ko, since di ko na mahahabol yung connecting flight ko sa Dubai.
Nung sa Singapore pa ako, kahit yung mga PAL flights pa-Singapore, nadi-delay din. Kaya laging SQ lagi ako, kahit mas mahal. Dito sa Saudi, wala na ang PAL. Mahina daw kasi ang kita sa rutang ito. Eh, pa'no, masagwa ang serbisyo. Kaya mga OFWs, mas preferred yung Saudia, Cathay at Emirates.