buhayin ko lang uli itong thread na ito. kailangan ko lang ng advice.
civic esi 93 yung kotse. automatic transmission siya (PH16 ang makina).
ok naman yung transmission maliban lang sa tercera (3rd gear). nag-slip siya sa 3rd gear. ndi kumakagat kahit anung apak ko sa accelerator.
nangyayari ito mostly pag matagal na umaandar ang kotse sa long trips.
kakapalit ko lang ng atf ilang buwan pa lang nakalipas. DIY ghetto style kaya 6 liters din ang nagamit ko. drain lahat ng lumang atf. hanganng ngayon pink or light red pa din yung atf at ndi naman amoy sunog.
ano kaya problema? kailangan ko na ba mag-ipon pang bili ng surplus?