(1) Regular oil and filter change every 5000 km (Castrol, VIC oil filter)
(2) Fuel Filter - change at 73,000 km ( replaced using Maruzen brand)
change at 86,000 km - when checked kasi blackish na color fuel pag taktak nung filter)
(3) Timing belt/Tensioner Bearing changed at 85,000km , cleaned throttle body and servo
(4) ATF oil and filter changed at 74,000km (casa - they used 6 liters)
(5) Power steering fluid -haven't changed pa. - still pink in color, no burnt smell since acquiring the vehicle. Nung nagpapalit po ko ATF, sabi di pa naman daw po kailan palitan.
Problem po is:
Downshifting po from 4th to 3rd, once nasa 3rd gear, pag- apak sa gas may vibration po for a while, na parang kapos sa gas, nanginginig yung car, once na abot na nya speed for 4th gear ok na uli smooth na. Shifting from 1st to 2nd, may jerk pero minimal, then 3rd to 4th, smooth naman po. What causes po kaya yung nginig sa 3rd? Kailangan ko na po kaya uli papalit ATF. Na drain po din kaya yung ATF sa torque converter ng pa service sa casa?
Nabasa ko po sa forum na kailangan ng transtech machine to do that.. Wala po dito sa province ng ganoon. Balak ko po kasi di na sa casa dalhin kung kailangan palitan. May iba po bang paraan para ma drain yung fluid sa torque converter?
Tuwing kailan po ba nagpapalit ng power steering fluid?
ano na po ba ang quality ng ATF mo? sunog ba? but i don't think sa fluid ang problema mo eh since umaabot pa sa 4th gear... kumusta naman ang takbo when running in O/D?
hey bro.. minor lang yan, kung taga QC area ka pacheck mo sa JAZZ automatic transmission specialist in kamias. look for cris. ok kausap yun siya ung may ari dumerekta ka sa kanya.. pag ung mga boy/mechanic ksi nagmmarkup pa :-)
thanks sa replies mga peeps! try ko change yung atf muna.. ok ba yung sa Jazz automatic transmission? di ba mahal sumungil? medyo malayo ako sa qc, bandang south ako eh, may lam kayo na magaling din sa AT bandang south? Laguna area po ako... TY