Hi mga sir!
My ride is a dodge colt '73 with a 1.6L saturn engine. My problem is ayaw/hirap siya magstart. Kapag ini-start ko, parang ayaw umikot ng makina, ayaw magstart. Ngayon, "tik-tik-tik" sound na lang naririnig ko. battery lang kaya to mga bossing o pati alternator sira? kapag umandar na naman siya, di ako namamatayan kahit naka-on yung headlight.
**Ngapala, nagawa na yung problem nito dati na rumeredondo pero ayaw magtuloy. yung kuneksyon lang pala sa ignition. pero later hirap uli magstart but with different symptom I described above.
The same day na nagkaproblem sya sa pagstart, nagkaproblem din yung clutch o transmission (di ko sure kung ano sira). Ayaw pumasok sa primera at segunda; matigas kapag tresera o kwarta. So ang ginagawa ko, pinilit ko na lang na tresera unang gear ko sa pag-andar from idle (para lang makauwi na). Nagpatulong ako sa isang jeepney driver sa pinagtirikan nito, sabi daw, clutch daw problema. Sa palagay nyo mga bossing? clutch lang ba o pati yung transmission. Ayaw daw kumagat nung clutch sabi nung jeepney driver. baka daw sira na yung goma ng clutch. (di ko alam to kasi bago lang ako nagkakotse...luma pa).
HELP MGA BOSSING. Thanks!


Reply With Quote
