Quote Originally Posted by xyrold View Post
buhayin ko lang tong thread na to,

kapapalit lang ng clutch lining ko, (pressure plate, clutch disk) yung release bearing ok pa kasi hindi naman maingay.

well based on my own experience about clutch sliding/dragging

1. dragging yung andar sa 1st gear hindi smooth (it could also be the engine support)

2. hirap pumasok ng 1st gear (i.e. umaandar ka ng mabagal, galing 2nd gear then dapat mag full stop ka muna, and bomba sa clutch para pumasok ung 1st gear.

3. pag arangkada from 2nd gear namamatay ang engine. (slight lang tapak sa gas)

4. medyo pansin ko talaga na humina ang hatak, ( and yes lumakas sa gas )

then nung napalitan na yung clutch lining, ok na.

1. very smoorth ang arangkada at pasok ng mga kambyo.

2. kahit gumugulong ng mabagal pumapasok ang 1st gear.

3. kayang umarangkada ng 2nd or 3rd gear at hindi namamatay engine.

4. ramdam ang hatak ng kotse, as in iba yung sibat ng kotse ko ngayon, (same driving style)

my car is honda lx 94 ..... excedy brand yung parts, gastos ko 5k

sir, tanong ko lang po mga ginastos nyo sa clutch sa lx 94 nyo? (same car po tayo). parang walang hatak yung kotse ko kahit mataas ang rpm tpos may panginginig.

nag try ako yung naka idle makina, nakahandbreak, press clutch, sinet ko sa 5th gear, tpos unti unti kong nirelease ang clutch, namatay naman ang makina (di pa sliding) pero kung di pa sliding kotse ko, walang kahatak hatak, namamatayan ako pag umaakyat sa carpark ng 2nd floor.

ano ano po mga pinalitan nyo sa clutch nyo? pati na rin price range nya. oem po ba o replacement?

sana po masagot nyo po tanong ko. maraming maraming salamat po.