Quote Originally Posted by xoom View Post
As always! Madaling araw na naman nakauwi si Rikardo galing sa inuman at
lasing na lasing. Pagdating nya ay tulog na ang kanyang misis kaya tumabi
nalang sya sa kama at natulog na rin. Kinaumagahan, Sa muling pagmulat ng
mata ni Rikardo ay nakita nya na ang katabi ay isang lalaki, bigla syang
nagulat at bumangon!


Rikardo: Sino ka! At ano ginagawa mo dito sa kwarto namin?!


San Pedro: Huminahon ka Rikardo. Hindi ito ang kwarto nyo
at ako ay si San Pedro.


Rikardo: Ha? Kung ganon patay na ako!


San Pedro: Ganon na nga iho.


Rikardo: HINDI!!! HINDI ITO PWEDE! Ang dami ko pang hindi nagagawa. Ang
dami ko pang naiwan sa mundo! Maawa ka San Pedro pabalikin mo ako sa
lupa kahit man lang para makapagpaalam sa mga mahal ko sa buhay! Huhuhu....


San Pedro: Teka huminahon ka. Hindi ka na pwede bumalik bilang ikaw pero
pwede kita i-reincarnate bilang isang inahing manok o bayawak!


Rikardo: Mmmm...kung bayawak baka mapatay uli agad ako. Inahing manok
nalang po San Pedro, pero ilagay nyo po ako dun sa bukid namin para
maging malapit ako sa pamilya ko!


San Pedro: OK pagbibigyan ko ang kagustuhan mo.


At muling nabuhay si Rikardo bilang isang inahing manok. Nakita
nya ang sarili na puno ng balahibo at kasama nya ang ibang mga inahing
manok sa bukid nila. Kinausap sya ng isa pang inahing manok na si Susy.


Rikardo: Whew, isa na akong manok ganito pala ang feeling. Teka
bakit parang umiinit ang tyan ko at kumukulo?


Susy: Ikaw ba yung bagong manok dito? Ganyan talaga ang pakiramdam
kapag malapit ka na mangitlog. Magrelax ka lang at hayaan mo syang
dumaloy.


Rikardo: Ano? Mangingitlog ako!!!. Oo nga pala inahin nga pala ako kaya
normal lang siguro yun.


Kahit medyo kinakabahan si Rikardo ay sinunod nya si Susy at nailabas nya
ang unang itlog. Matapos mailabas ang itlog ay guminhawa ang pakiramdam ni Rikardo.


Rikardo: Wow ganito pala ang pakiramdam ng mangitlog, napakasarap!
Ngayon ko lang naramdaman ito. Para akong isang ina na nagsilang ng
sangol! Napakasarap...ngayon ko lang naramdaman ito....pero teka bakit
parang meron pa?


Susy: Hwag ka mag-alala di tulad ng tao, tayong mga manok kaya
natin mangitlog ng isa hangang walo, kaya magrelax ka lang at hayaan mo
silang lumabas


Rikardo: Ganon ba? O sige. Maraming salamat Susy! Hindi ko maintindihan
ang nararamdaman ko pero totoong nakaka-antig ng damdamin.


At muli na namang nangitlog si Rikardo. Gumaan muli ang pakiramdam nya.
Napangiti at nasabi nya sa sarili nya na ito ang pinakamasarap na
naramdaman nya sa buong buhay nya kahit na noon namumuhay pa sya bilang
isang tao. Halos mapaluha sya sa galak. Naghahanda na sanang ilabas ni
Rikardo ang pangatlo nyang itlog nang biglang may matigas na bagay na pumalo
sa ulo nya at may narinig syang malakas na sigaw.



Misis: Hoooy Put**%*#! Mo! Gumising kang demonyo ka! Bakit
ka tumatae sa kama!!!

^ :hysterical: