"Hello, Master Carlos? Si Arnaldo po ito, 'yung
katiwala niyo sa
bahay-bakasyunan niyo."
"O, Mr. Arnaldo, ikaw pala. Ano't napatawag ka? May
problema ba?
"Um, napatawag lang po ako para abisuhan kayo na
namatay ang alaga
niyong
parrot."
"'Yung parrot kong si Pikoy, patay? 'Yung nanalo sa
bird show?
"Opo, Master Carlos, 'yun na nga po."
"Putris ... sayang! Ang laki pa naman ng nagastos ko
sa ibong 'yon.
Hay, buhay!
Teka, ano nga ba ang ikinamatay niya?"
"E, kumain po kasi ng bulok na karne...."
"Bulok na karne? At sino namang salbaheng tao ang
nagpakain sa kanya
ng bulok
na karne?"
"! W-Wala po. Nanginain po siya ng karne ng isang
patay na kabayo."
"Patay na kabayo? Anong patay na kabayo, Mr Arnaldo?"
"E, 'yun pong mga thoroughbred horses niyo, Sir.
Namatay po kasi
lahat sila sa
pagod, kahihila ng kariton ng tubig."
"Nasisiraan ka na ba ng bait? Anong kariton ng
tubbbiiiiggggg?"
"'Yun pong pinampatay namin ng sunog."
"Diyos ko po! Anong sunog naman 'yang pinagsasasabi
mo?"
"'Yun pong halos tumupok sa bahay niyo..... Tumumba po
'yung isang
nakasinding
kandila, tapos nagliyab 'yung kurtina at mabilis na
kumalat ang
apoy...."
"Ano? Puuut.... E, may kuryente naman diyan sa
bahay-bakasyunan, a.
Para saan
'yung kandila?"
"Para sa burol po."
"Ano? Kaninong burol?
"Sa nanay n'yo po, Sir. Bigla kasi siya dumating dito
nu'ng isang
gabi, walang
kaabi-abiso. Lampas hatinggabi na. Akala ko po
magnanakaw. Binaril
ko."