Ito lang naisip ko ngayon since malapit na November 2.
Assuming wala ka pa RFID by November 2, anu plano ng expressways? As in hindi ka papadaanin lang, ganun ka simple? Or kakabitan ka din naman nila on the day para makadaan ka?
Kasi sa dami ng nagaapply ngayon at madalas marinig out of stock, balik ka bukas, sigurado naman na (foregone conclusion) na di nila kaya maaccomodate lahat ng users ng expressways before the deadline.
So, either after november 2, may iisang cash lane lang sila if hindi pa din nila masort out supply issues nila with RFID stickers naman, or.... kakabitan ka na nila on the spot para makadaan ka at dun nila ililipat yung toll booth staff nila na nawalan na ng toll booth na mamanduhan. Kasi nga, madami pa backlog.
Iniisip ko kanina lang kasi... anu ba balak after november 2 deadline....
Alangan naman sabihin nila sa walang RFID, atras mo hanggang makabalik ka sa nadaanan mo intersection tsaka ka maghanap ng ibang daan to service roads?
Or mag sesetup na lang sila ng gahiganteng uturn slot para sa mga may aberya sa RFID sa lahat ng toll booth nila?
Hindi kasi kaya din maglagay ng secondary exit from say Balintawak or Quirino Highway to Service road ng new "exit" bago mag start ang expressway to service road kasi hindi naman ginagawa ngayon.
So, anu plano nila?
Thinking about it logically, yun lang din options ng management ng Autosweep and/or Easytrip for failure to deliver RFIDs to those who need it or are applying for it.
Last wild card is, swerte pa magiging walang RFID, papadaanin sila ng libre kasi kasalanan ng management kung bakit walang RFID (unlikely).
So... meron magiging talagang announcement (most likely) dapat TRB week before November 2, or October 31 (buzzer beater announcement).