May I know kung after mo bang magpa-link ng Autosweep to Easytrip, binigay naba sayo ang account number mo? Sakin kasi hindi, they just asked me make the initial load of Php400 (Php200 for each car) and wait for 3-4 working days.
Since Sept. 12th ako nagpa-link ng Autosweep, I guess my linked-up RFID is now working. Ang card nalang din ang hinihintay ko (15 working days daw... so from Sept 12th, estimated na sa Oct. 2nd ang 15th working day at release).
Ang proof ko lang na nagpa-link ako ay ang resibo nung transaction ko. I assume sa pag-release ng account card nalang din ko malalaman ang account number?
Akala ko kasi while waiting for the actual card, may account number nakong pinanghahawakan para pwede nako makapasok sa mga RFID booths ng Easytrip. Dahil wala nga akong account number pa, alangan pako pumasok sa mga RFID lanes sa NLEX nito (sa cash lane muna para sigurado).