Nakapagpakabit na ko ng Slex RFID kahapon sa Petron Valle Verde. Mga 10:00 AM na yun pero buti 4 cars lang kami pagdating ko.
Mabilis lang ang process nila doon. Wala akong dalang hard copy ng documents. Kopya lang ng OR/CR sa phone ang dala ko. Chineck lang nila yung detalye at okay na ko. Tanong ko lang, iba na ba ang RFID ngayon ng autosweep? Akala ko dati kagaya sya nung sa Easytrip na pahaba yung hugis tapos mostly transparent lang. Etong kinabit sakin is mas maiksi at kulay puti.
