New and Used Car Talk Reviews Hot Cars Comparison Automotive Community

The Largest Car Forum in the Philippines



Page 6 of 15 FirstFirst ... 2345678910 ... LastLast
Results 51 to 60 of 143
  1. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #51
    Actually pwede naman ang matic. Ang hindi pwede ay yung kapag matic ang restriction mo and nagdrive ka ng manual. Pero alam mo naman ang buwaya...hehehehe.

    Restriction 4 is for small trailers. Mawalala ba ang 1,2,3 dun?

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  2. Join Date
    Sep 2005
    Posts
    3,005
    #52
    Quote Originally Posted by OTEP View Post
    ...Mawalala ba ang 1,2,3 dun?
    I don't think so. Hindi naman natin kasalan na marunong tayong mag-drive ng motorbikes, cars, light trucks, and SUVs with trailer, diba?

    I believe allowable yung 1 2 3 4 na restriction codes.

  3. Join Date
    Jan 2006
    Posts
    59
    #53
    Quote Originally Posted by OTEP View Post
    Restriction 4 is for small trailers. Mawalala ba ang 1,2,3 dun?
    if 1,2,3 sir and nagpadagdag, mawawala ata yung 1 so 2,3,4 na lang kung padagdag ka ulit ng 5 magiging 3,4,5 (hanggang 3 restriction numbers lang)

    papadagdag sana kasi last monthyung byenan ko yan daw ang sabi sa kanya sa lto, so hindi na nya tinuloy sayang yung 1 may motor pa naman sya , pero dpa rin ako sure yan lang yung explanation nya sa akin.

    pakiconfirm na lang sa may alam kung tama o mali



    Quote Originally Posted by russpogi View Post
    I believe allowable yung 1 2 3 4 na restriction codes.
    sana nga sir

  4. Join Date
    Oct 2002
    Posts
    22,658
    #54
    Nakuha ko na kanina. First off, gusto ko magpasalamat sa mechanic-cousin ni afrasay na si Ferdie. Malaki naitulong niya sa pagkuha ko ng restriction 6. Siya kasi naghanap ng OR/CR ng trailer na 'pang-show' ko sa LTO. Nakarating pa kami ng bandang Moriones, Tondo para dun pero hindi niya ko binigo.

    Mga Php600++ nga ang actual cost ng pagpalit ng type at pagrenew. Kasama yung drug test, medical, at yung police clearance. Takes a little more than half a day to complete.

    Restriction 2,3,6 lang kinuha ko. Don't really care much about restriction 1 kasi sa village lang ako sumasakay ng two wheeler and yung scooter na wala pang gearchanges. hehehe.

    Buti na lang nagdala ko ng papeles ng trailer kasi hinanapan ako nung bandang huli. Kaso hinanapan din ako ng papeles ng dyip na panghila ko daw sa trailer. Sabi ko na lang dun sa tiga-LTO, wala naman po kaming dyip. Sabi niya, ano ipanghihila mo sa trailer? Sabi ko Pajero. Natawa siya. Hindi na humingi ng papeles, isulat ko na lang daw license plate nung Pajero dun sa form.

    Ayun lang po. Salamat sa mga payo. Pwede na ko mamasada.

    http://docotep.multiply.com/
    Need an Ambulance? We sell Zic Brand Oils and Lubricants. Please PM me.

  5. Join Date
    Oct 2007
    Posts
    1
    #55
    pwd mag tanong..??? pano po ba ung written at practical exam..??

    ano kelangan gawin..?? monday na kc exam ko..kinakabahan ako...

    mahirap ba ung practical exams..???

    nung gagawin nila sayo..??

    at ano ung mga kelangang tandaaan....can u give me same tips.???

  6. Join Date
    Jun 2006
    Posts
    6,105
    #56
    Wag ka kabahan, napakadali lang ng exam. Na-perfect ko nga e. No joke.

    The exam is actually a joke, sobrang dali any gradeschooler can pass it.

    The practical is easy too, as long as you know how to drive a manual (manual kasi ang test vehicle nila). Pwede ka ata automatic pero dala ka sarili mong sasakyan. Iikot lang kayo sa vicinity, wala pang 2 minutes.

  7. #57
    the term professional does not state on how well you drive but it is a designation if you use your licence as a profession or not...

    non-pro:

    1. green
    2. minimum of 17years old, 3-years only
    3. less than 300-400 to renew, drug test included
    4. you can only drive vehicles you/your family own...
    5. you cannot assist a student driver
    6. some regard non-pro as "much up-level" than the pro-licence.

    pro licence:

    1. red
    2. minimum of 18 years old, 5-years to renew
    3. more than 400 pesos to renew, drug test included
    4. you can drive practically anybody's car
    5. you can assist a student driver
    6. you can drive a private, public or a government vehicle...
    7. kaya most drivers dapat prof. licencce..
    Last edited by alwayz_yummy; October 20th, 2007 at 08:15 PM.

  8. Join Date
    Jun 2007
    Posts
    1,343
    #58
    mga bro nabanggit in previous page tungkol sa pag accompany ng nagda-drive na student permit. di ba pwede kung non pro ka?

    opppss. ayon nauna pa answer sa question ko thanks.... galing ah..

  9. Join Date
    Oct 2007
    Posts
    196
    #59
    gusto ko rin sana magpalit ng license to non pro to pro...yung driving school pa kasi nag assist sa amin nung license namin, ask nung taga lto kung anong restriction, eh di ko naman alam yun basta kita ko pwede motor sa 1 pinalagay ko na rin, 1 and 2 yung restriction ko..

    gusto ko dahil, in case na magdrive ako ng ibang car na di akin, walang problema, pangalawa, pag tinuruan ko anak ko magdrive atleast im a pro di ba?? 3rd, matagal mag renew, 5 yrs...

    2010 pa expired ng license ko, by that time papalitan ko na ng pula, then res123...

  10. Join Date
    Apr 2007
    Posts
    286
    #60
    may advantage din kung pro ung license mo pag nag apply ka ng driving license sa ibang bansa.

Page 6 of 15 FirstFirst ... 2345678910 ... LastLast
Professional vs. Non-professional driver's license