hmm. iba pa pala driving without license and failure to carry license. P150 lang pala dapat yung violation ko. binigyan ko pa ng 200 yung mmda. badtrip
hmm. iba pa pala driving without license and failure to carry license. P150 lang pala dapat yung violation ko. binigyan ko pa ng 200 yung mmda. badtrip
.
so pag naka-sando ka even when you are driving a private vehicle, may FINE???
.
hellow tsikoteers! help please.. around 11:30 pm sa timog nung wednesday night, dumaan ako sa check point, na ticketan ako ng pulis! RE: expired registration! plate number ko is 533! badtrip sobra, gusto pa nung pulis impound auto ko! ang init ng ulo niya good thing calmado lang ako. two weeks lang naman expired registration ko.. mahirap ba mag claim ng license sa quezon city hall? ano ang process? any advise? base sa naka post dito 900 ang fine ko?? arggghhhh!!! thankyou in advance sa mga reply. =)
BA533, march 29 ba yun wednesday??? di pa expired rehistro mo nun... contest mo... pero rehistro mo na muna bago ka contest... dapat expired yang rehistro mo ngayon pa lang, april 1...
yup nung march 29 (wednesday) ako nahuli expired na daw (according dun sa policeman na humuli sa akin) kasi based dun sa second digit ng plate (3).. dapat nung second week or third week ko ng march ni register yung car.. paano po yung process ng contest? dun mismo sa quezon city hall ako mag co contest? thankyou po sir camote for the reply.
sir, 533? supposed to be, first week or second week nang march naka-rehistro ka na. afterwards nun, aba may penalty na sa rehistro. pag nagpenalty means may violation. ang violation? expired registration. pero ok lang yan, claim mo na lang yung license mo.
check this out: Http://www.lto.gov.ph
baka makatulong sa pag-contest mo regarding your expired registration.
kahit na dapat first week ka pa nagparehistro at last week ka nagparehistro, basta within the month, hindi ka pa magpepenalty... alam ko yun dahil lagi ako last day magparehistro ng mga sasakyan sa bahay... kung hindi ka nga pinagpepenalty ng lto pag rehistro mo e bakit ka naging expired registration.... yung sasakyan ng tatay ko, 641 ang plaka pati sa kapatid ko 931, pinarehistro ko january 30... yung gamit ko 242, pinarehistro ko february 28 mismo... pati isang motor ko, 9221 plaka pinarehistro ko january 31.... lahat yun wala naman penalty at considered on time pa din rehistro nila...
dun mismo sa redemption center, pwede ka mag contest... malamang pagpunta mo dun wala pa dun lisensiya mo...
may mga kakilala ako na ganun ginagawa.... yun ang butas na hinahanap sa mga sasakyan, expired registration kahit hindi... tapos mapipilitan makipag ayos na lang yung driver sa humuli... pag contest mo, sabihin mo lang na nung time na hinuli ka, di ka pa expired. mate-technical yung humuli dapat sayo....![]()
hello po sir ian_rex and camote, thankyou ulit sa reply. Nakalagay sa trafic violation ko UNREGISTERED MOTOR VEHICLE. gulong gulo na ako, first time ko ma ticketan.. sana wala itong seminar na kasama. Bali clarify ko lang ulit ha.. Pag pumunta ako sa Quezon city hall (i live in BF homes Paranaque.. ang layo.. haaayy) to claim my license, dun ko daw claim eh, sabihin ko na mag co contest ako stating that when the time na nahuli ako, hindi pa expired. tama po ba pag kaka intindi ko sa sinasabi niyo?
sir ian, thankyou po sa link ng LTO.. based sa website ng LTO.. 900 nga ang fine ko.. arghhhh....
pero pag nanalo ako dun sa "contest", hindi na ako mag babayad ng penalty at ma te technical pa humuli sa akin? tama po ba?
Thankyou ulit. =)
kung 533 nga plate number mo, dapat 1st or 2nd week of march ang registration nyan.. no extensions. so that means invalid na rehistro mo ng ika-3rd week.. kahit niregister within the month of march, may penalty pa din yan na 200 pesoses..
dun sa mga lumagpas ang rehistro, check nyo yung OR nyo kung may nakalagay na 200 penalty..
kaka check ko lang bossing... wala talaga penalty... yung gamit ko na lancer, 242 ang plaka, narehistro ko february 27 na... yun yung huling nirehistro ko....Originally Posted by raikonen
at ang alam ko na penalty pag late registration, pag less than 6months ang late, 50% ng registration fee, pag more than 6months, 100% na ang surcharge...
not true. i have a van, 2 years ko hindi napa register. binayaran ko lang is 50% penalty, plus ung talagang registration cost.Originally Posted by CaMoTe!!!
guess some members are not familiar to this rules...ngayon ko rin nalaman na bawal mag slippers e yung kuya ko palaging mabantok kotse niya amoy patay na DAGA..ipakita ko nga sa kanya ito!! bwuhahaaa...
Originally Posted by jelog
sa mga puvs lang yung bawal slippers jelog...
Nahuli din ako ng MMDA 3 years ago. First time na nahuli ako. Reckless Driving kaso ko kasi nag U-turn daw ako sa area na hindi naman para sa U-Turn. Motor dala ko nun. Pero sinusundan ko din lang ang isang motor. Bigla akong hinarang ng tibo na MMDA at hinihingi na nga license ko. Pero pinalusot yung naunang motor. Nakipagtalo talaga ako kasi unfair na hinuli ako pero yung nauna ay pinalusot. Anyway, sabi ko susunod na lang ako sa batas. Nung kinuha ko yung license ko ay laki ng binayaran ko, P500 tapos papa-attend pa ako dapat ng seminar pero nakiusap ako na wag na lang.
mula nun naipangako ko na sa sarili ko na hindi na magpapahuli sa MMDA. 2nd time na nahuli ako ay pulis naman nakahuli sa akin.walang helmet yung angkas ko.pero mas madaling kausap yung pulis. humihingi ng P270 pero nakuntento sa P50.
Minsan kahit gusto nating sindin yung proseso ay di maiwasan na maglagay na lang kasi hassle talaga pag nahuli.laki ng lugi mo. mag-lileave ka sa work mo at laki pa babayaran mo.pero mula nun ay nag-iingat na talaga ako na hindi makaviolate ng traffic laws.
buhayin ko uli...
doon sa may u-turn sa may edsa-roxas intersection (yung papuntang macapagal) sigurado ba yun na di ka puwede mag change lane kung nasa u-turn lane ka (outermost) tapos pupunta ka sa may right mo na paderecho. Pinara kasi ako kanina kasama dalawa pang car (altis yung isa). Yung dalawa pinakawalan pero ako sabi minor voilation daw ako!!!! (Disregard of Traffic Signs). Eh sunod sunod lang kami. Wala naman yellow lane doon!!! Ang masama pa nun before ako nagchange slow down ako at signal tapos nung clear na doon ako naglipat. Nakakagago talaga!!! Pinatagal ko at sinabi ko na icocontest ko... hindi naman ako reckless driving at mas malala pa at lagi ko nakikita na ginagawa nila yan diyan. Bakit yun ang hindi nila huliin!!!! Pinagbigyan din ako pero alam ko tama ang ginawa ko. Kung hindi contest talaga ang gagawin ko... wala ako pakialam sa Php 150 pero tama ang ginawa ko. May sign nga doon pero makikita mo ba yung nakasulat doon sa lighting palang??? HIndi mo mababasa yun!!! Sabi pa niya dapat 20 meters dapat ang magchange lane!!!!!! At paano ko makikita ang sign na yon at that distance!!! Dapat lagyan nila ng yellow line pati ang intersection ng edsa-roxas!!!!
yung sakin lang ginawa ko na ang safe way para mag change ng lane... ako pa ang hinuli ng mga gago... feeling ko pag sumusuniod ka talaga sa rules dito nadedehado ka... nagagago ka pa...
sorry pero gusto ko lang maglabas ng sama ng loob...
Kakatubos ko lang ng lisensya ko last week dahil din dyan. Pasay police humuli sakin swerving daw sa may Buendia-Roxas naman. Hindi ko naman kase kabisado ung area saka ang dilim! Hindi ko namalayan na may U-turn slot pala dun kaya d agad ako nakapunta sa outermost lane.