Results 1 to 10 of 83
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Aug 2013
- Posts
- 13
October 18th, 2013 12:42 PM #1
Maliit lang subdivision namin kaya one-way lang talaga ang traffic sa street namin. Meron kaming neighbor na lawyer (daw) ng NBI, and they have 2 cars. Ginawa nilang tindahan yung garahe nila. They keep on parking on our driveway so hindi talaga kami maka labas ng private parking space namin, dalawa pa naman kotse namin, yung isa SUV pa! Ang hirap mag park at lumabas tuloy every time na lalabas or dadating kami, tawag kami nang tawag sa kanila. Kami nga pag mag park, may tatakbo na passenger para mauna sa gate or tatawag sa tao sa bahay, para pagdating ng kotse, bukas na gate para walang traffic na maipon sa likod.
Ilang beses na namin sila kinausap ng maayos, and then ng nagka pikunan na, hindi na maayos, pero ayaw pa din nila tigilan pag papark sa driveway. Sobrang liit ng kalye namin, pag sinusubukan mag pass ng other vehicles sa kotse nila, eh ilang beses ako muntikan masagasaan kapag palabas ako ng gate, sobrang liit ng kalye there's no space for me to safely look before going out of our gate! Ano ba dapat gawin sa neighbor na to, ayaw naman sila kausapin ng barangay dahil lawyer mayari, ayaw naman sila itow ng MMDA dahil hindi daw abandoned vehicle (at alam naman daw namin kung sino ang mayari kaya di na nila problema yun)
-
October 18th, 2013 12:48 PM #2
Park your other car outside. I think that is the only remedy for a hijodeputa like that.
If not, pasabugin mo kotse nya.
Sorry, but nowadays, its a dog eat dog world.
If you show weakness, kakainin ka ng buhay ng mga yan. Pakita mo rin pangil mo.Last edited by lowslowbenz; October 18th, 2013 at 12:51 PM.
-
October 18th, 2013 12:54 PM #3
Ang magka-away, ipa-barangay!
I would blame also poor planning on this part. Why the hell make such a narrow road with houses that big?
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Aug 2013
- Posts
- 13
October 18th, 2013 12:56 PM #4Di ko maintindihan mentality ng mga barangay officials na ayaw kami tulungan, ni kausapin neighbors namin ayaw nila gawin. Ayaw ko naman maka perwisyo sa iba, kahit gustong gusto ko na mag park sa labas.
Oo nga eh, dati kasi maliliit lang population dito kaso biglang influx ng tao. Ayaw kami tulungan ng barangay, kilala nila ang naka tira, "si Attorney,kausapin niyo ng maayos". They had their own garage ginawa nilang TINDAHAN!
Wala naba talagang way for me to straighten out these neighbors? Never naman namin sila na perwisyo, aside from my dogs barking when they were puppies, kaya nga bumili ako ng bark collars and anti-bark devices, kasi nahiya ako sa kanila, aside from that I don't remember doing them any wrong/harm.
-
October 18th, 2013 01:02 PM #5
di ko kinukunsinte ang paghiganti pero park your vehicle in front of their driveway too, para malaman nila gaano ka-inconvinent yung ginagawa nila. sabihin mo lang para madali na ako makaalis ng sasakyan since nakapark ka sa harap ko para di na kita istorbohin at paalisin yung sasakyan mo. park ka sa harap ng tindahan nila yung tipo bang halos sagad na wala nang kasyang tao sa harap para makabili
Last edited by 170kphlang; October 18th, 2013 at 01:04 PM.
-
Verified Tsikot Member
- Join Date
- Jan 2013
- Posts
- 143
October 18th, 2013 01:11 PM #6tama si sir LSB, park nyo yung isang sasakyan nyo dun sa driveway nyo muna, para mapilitan siya maghanap ng ibang peperwisyuhin. Ginawa ko rin kasi yan dati nung bago pa kami sa subdivision, may pumaparada sa tapat ng driveway namin, binubully siguro ako, at least subtle response mo pero effective
-
October 18th, 2013 01:19 PM #7
-
-
October 18th, 2013 01:29 PM #9
-
Because pinoy mentality. Not surprising.
Mitsubishi Montero Sudden Acceleration Accidents...